Leanne's POVNagpapahangin ako ngayon dito sa garden. OMG! Super boring naman!
Biglang may nagdoor bell.
"Yaya! Pakibukas nga yung gate!" sigaw ko.
"Wait lang po ma'am." sagot niya tapos dali-dali siyang tumakbo para buksan yung gate.
Nagulat ako dahil si baklitang Louie pala yung nagdodoor bell kanina. Saan kaya nagpunta ang isang 'to? Ang lande talaga neto. Alas-siete na ng umaga tapos ngayon lang siya umuwi?! The f*ck!
"Saan ka galing?" bigla kong tanong sa kanya.
"None of your business." sagot niya sa akin. Kahit kailan napakabastos talaga nang baklitang 'to. Nanggigigil na ako sa baklitang 'to! Grrrrr!
"Di mo ba alam kung paano sumagot ng maayos?!" sarcastic kong tanong sa kanya.
"Hindi eh." sagot niya. Bwisit talaga 'tong baklitang 'to!
"K bye. Ang labo mong kausap." sabi ko tapos pumasok na siya sa bahay.
Bastos talaga neto. Kainis! Saan kaya siya galing? Matanong nga si yaya.
"Yaya Dyosa!" tawag ko sa kanya.
"Wait lang po!" sigaw niya. Bumalik kasi siya kanina sa loob ng bahay.
"Ano po yun ma'am?" tanong niya sa akin."May itatanong lang ako sayo saglit." sabi ko.
"Saan galing yung baklita kong kapatid?" tanong konsa kanya."Sorry po ma'am pero wala po siyang sinabi sa akin." saad niya sa akin.
"Sige! Makakaalis ka na." sabi ko tapos bumalik na siya sa loob ng bahay.
By the way, lunes na pala bukas. First day of class namin bukas. Grrrr! Di pa ako ready, parang kulang yung bakasyon ko.
--------------
Louie's POV
Haiisssttt! Makatanong naman yung maldita kong ate, akala mo naman close kami. Yuck! Feeling caring lang yun. Pabida amputss. Omayghad! Super excited na ako bukas dahil pasukan na naman. Makikita ko na everyday si crush. Sana HUMSS din ang kunin niyang strand, HUMSS kasi ang kukunin kung strand. Excited na talaga ako.
Medyo close na kami ni Fafa Jhon. Stay strong sa amin. Charrr! Wala palang kami. Saklap! First time kong pumunta sa bahay nila kanina.
Biglang may tumawag sa akin. Tinignan ko kung sino yung tumatawag at si Tita Aurora pala. Sinagot ko yung tawag niya.
"Hello Tita." bati ko sa kanya.
"Hi Louie! Kamusta kayo dyan?" tanong niya sa akin.
"Okay lang naman kami dito Tita. Kamusta po kayo dyan, Tita?" tanong ko rin sa kanya.
"Okay na okay lang kami dito. Nag-eenjoy nga si Levi sa kakapasyal dito eh."
"Kainggit naman! Hehe!" sabi ko.
"Kailan po pala ang uwi niyo?" tanong ko kay Tita Aurora."Hmmm.. Baka next monday pa Louie." sagot niya.
"Okay po, Tita. Pasalubong ko po ah. Hehe!" sabi ko.
"Oo naman Louie. Oh siya, mamaya na ulit ako tatawag sayo. Bye!"
"Bye po, Tita." sabi ko tapos in-end call na ni Tita Aurora.
Miss na miss ko na si Baby Levi.
Gutom na naman ako kay napagdesisyonan ko ng bumaba sa kusina. Nasa hagdan palang ako ay natatanaw ko na yung maldita kong ate sa dining room. Mukhang kumakain na siya.
Patay gutom amputss! Kumuha ako ng makakain sa ref at tsaka ako umupo. Kumakain lang ako nang bigla siyang tumayo at iniligpit niya yung pinagkainan niya. Lumabas siya, siguro pupuntahan niya yung mga chismosa niyang kaibigan. Whatever! Tuloy lang ako sa pagkain.
"Louie!"
"Hay! Palaka!" bigla kong sigaw. Eto kasing Yaya Dyosa, ginugulat ako. Haiissstt!
"Hoy Louie! Hindi ako palaka noh." sabi naman niya.
"Ginugulat mo kasi ako eh."
"Sorry naman, Louie." sabi niya tapos tumabi siya sa akin.
"So? May sasabihin ka ba sa akin?" tanong ko sa kanya.
"Wala. Namiss lang kita." sabi niya. Miss niya ako? Eh, everyday naman siyang nandito sa bahay. Anlakas ng trip niya ah. Hahaha!
"Miss mo ko? Palagi ka namang nandito sa bahay eh. Anong trip mo, Yaya?"
"Trip ko lang. Anong trip ko? Badtrip! Haha!" sagot niya. Hay naku! Itong si Yaya talaga, pinagloloko niya ako.
"Anong nainom mo at ang lakas ng trip mo ngayon?" tanong ko.
"Betadine! Charoot! Haha!" sagot niya.
"Whatever!"
"Eto namang si Louie. Hindi mabiro." sabi niya.
"Wag mo akong binibiro ah. Wala ako sa mood ngayon." pambabasag ko sa kanya.
"Bakit naman?" tanong pa niya.
"Basta." tipid kong sagot.
"Share mo naman yan."
"Hmmm.. Basta sikretong malupet yun."
"Okay. Ayaw mong i-share eh. Balakadyan!" sabi niya tapos bigla na lang siyang tumayo at tsaka siya umalis. Palaban! Siya pa 'tong may ganang magwalk-out. Echosera 'tong babaeng 'to.
"Echosera!" sigaw ko pero di ko lang alam kung narinig niya.
Pagkatapos kong kumain ay lumabas na ako ng bahay. Tinatamad akong maghugas ngayon. Si Yaya Dyosa na lang ang maghuhugas sa pinagkainan ko, may walk-out - walk-out pa siyang nalalaman ah. Yan ang bagay sa kanya.
Saan kaya pwedeng tumambay?
"Louie!" biglang sulpot ni Aling Betita. Kapitbahay namin si Aling Betita.
"May lakad ka ba ngayon?" tanong niya ulit sa akin."Wala po, Aling Betita." sagot ko.
"Bakit po?" tanong ko sa kanya"Ganun ba? Gusto mong sumama sa akin?" tanong niya.
"Saan po? Sa langit? Wag muna, bata pa po ako eh." sabi ko tapos napatawa na lang ako.
"Grabe 'tong batang 'to. Hindi naman sa langit ang punta ko eh." sabi niya.
"Eh saan po ang punta mo Aling Betita?" tanong ko.
"Sa basketball court." sagot niya sa akin.
"Ano pong gagawin mo dun?"
"Manonood ng basketball." Naalala ko ulit si Jhon nung tinuruan niya akong magbasketball. Sana turuan niya ulit ako. Miss ko na si Fafa Jhon.
"Tinatamad akong magwalwal ngayon, Aling Betita." sagot ko.
"Ahh. Ganun ba? Sige! Mauna na ako baka nag-umpisa na yung laro nila." sabi niya.
"Mag-ingat ka po." sabi ko tapos umalis na siya.
Tinamad na akong magwalwal kaya bumalik na ako sa loob ng bahay.
--------------
Sorry guys kung ngayon lang ulit ako nakapag-update. Nagsasummer job kasi ako. Huwag kayong mag-alala, babawi ako next time 'pag tapos na summer job namin pero try ko pa ring mag-update kahit nagsasummer job ako. I love you guys! Support niyo 'tong story ko ah. Vote niyo na rin. Thank you very much!
BINABASA MO ANG
My Sister, My Enemy
Novela JuvenilIto'y istorya ng dalawang magkapatid na mag-aagawan dahil lang sa iisang lalake. Kung akala niyo ay babae silang dalawa, nagkakamali kayo. Isang babae at isang lalake or should I say a "Gay". At hindi lang yan, magkaaway din sila pagdating sa kanila...