Louie's POVNagising ako ng alas-tres ng madaling araw. Bumaba ako sa kusina para uminom ng tubig. Mukhang tulog pa yung mga kasama ko. Sabagay, ang aga pa naman. Pagkatapos kung uminom ng tubig ay dumeretso ako sa sala, makapag-online nga sa Facebook. Tinignan ko kung sino ang mga active. Omayghad! Naka-online si Jhon. I-chat ko nga. Charrr! Naheye ako eh! Hahaha!
I-chachat ko sana kaso wag na lang. Nakakahiya naman sa kanya at baka maistorbo ko lang siya.
Nabored ako kaya napagpasyahan kong lumabas ng bahay. Napatingin ako sa buwan. Wow! Ang ganda ng buwan at tsaka maliwanag pa.
Saan kaya ako pwedeng magtambay? Alam ko na! Sa basketball court na lang kaso medyo malayo dito sa amin. Malapit lang kina Jhon yung basketball court. Kaya ko 'to. Nag-umpisa na akong maglakad papuntang basketball court.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating din ako sa labas ng basketball court at may naririnig akong parang nagdidribol ng bola. May tao siguro pero bakit ang aga naman niyang nagising?!
So? Pumasok na ako sa basketball court at nagulat ako dahil si Jhon pala yung nagdidribol ng bola. Bakit ang aga niyang nagising? Omayghad! Si fafa crush. Pawis na pawis na siya.
Tumigil siya sa pagdidribol at napatingin siya sa akin.
"Louie!"
"Jhon!" sabay naming sabi ni Jhon.
"Bakit nandito ka?" takang tanong niya.
"Wala lang. Hindi na kasi ako makatulog kaya napagpasyahan ko na lang na magtambay dito."
"Ahhh."
"Ikaw? Bakit ang aga mo namang maglaro ng basketball?" tanong ko sa kanya.
"Hindi rin kasi ako makatulog eh kaya eto, naglaro na lang ako ng basketball." sagot niya.
"Ahhhh." ang tanging nasabi ko na lamang.
"Opo muna tayo." pag-aya niya sa akin at umupo na kaming dalawa.
"Musta?" tanong niya sa akin. Eto, crush pa rin kita. Hahaha!"Okay lang naman ako. Ikaw, musta?"
"I'm fine." sagot niya.
"Hmmmm.. Pwede ba akong magpaturo sayo kung paano magbasketball?" tanong ko sa kanya.
"Pwedeng-pwede." sagot niya.
Tumayo na kaming dalawa at tinuruan niya ako kung paano magdribol ng bola.
Nahirapan ako sa una pero habang tumatagal eh natututunan ko na.
"Ano? Kaya mo ng magdribol?" tanong niya sa akin.
"Yup!" tipid kong sagot.
"Ang next kung ituturo sayo ay kung paano i-shot yung bola sa ring." sabi niya tapos pumwesto na siya sa free-throw line. Dribol.. dribol tapos ishinot na niya. Wow! Nai-shot niya, ang galing niya talaga kaya crush na crush ko siya eh. I love you na Fafa Jhon! Charrr!
"Ang galing mo naman." bigla kong sabi sa kanya.
"Thanks. Ikaw naman." sabi niya tapos bigla niyang ipinasa sa akin yung bola. Buti nasalo ko yung bola.
Pumwesto rin ako sa free-throw line. Dribol.. dribol tapos ishinot ko na yung bola kaso sablay. Haiisssttt! Ang hirap palang magshot.
"Try mo ulit." sabi ni Jhon at tanging nod lang ang isinagot ko sa kanya.
Dribol.. dribol tapos shot. Wala pa rin. Kainis talaga! Nanggigigil na ako pero kaya ko 'to para kay Fafa Jhon.
"Try mo ulit." sabi niya ulit sa akin. Napakasupportive mo Fafa Jhon.
BINABASA MO ANG
My Sister, My Enemy
Teen FictionIto'y istorya ng dalawang magkapatid na mag-aagawan dahil lang sa iisang lalake. Kung akala niyo ay babae silang dalawa, nagkakamali kayo. Isang babae at isang lalake or should I say a "Gay". At hindi lang yan, magkaaway din sila pagdating sa kanila...