Louie's POV"Louie?! Louie.. Louie!" nagising ako dahil may tumatawag sa akin.
Tinignan ko ang relo ko, 10:30 a.m. palang. Magtatanghali na pala.
"Louie?!" pag-uulit pa niya kaya binuksan ko na yung pinto. At si Yaya Dyosa lang pala yung kumakatok at tumatawag sa akin.
"Hmmm.. May mga bisita ka po." agad niyang sabi. Sino kaya ang bisita ko? Si Fafa Jhon? Charrr! Asa pa ako!
"Sino po ang bisita ko, Yaya?" tanong ko sa kanya.
"Di ko po alam name niya pero sabi niya bestfriend ka raw niya." sagot niya. Baka si Joanally?!
"Wait. Maghihilamos lang ako. Susunod na lang ako sayo. Pakisabi na hintayin na lang niya ako."
"Okay!" sagot niya.
Bumaba na siya at ako naman ay nagpunta sa bathroom para maghilamos at magsipilyo. Yup! May mga bathroom at CR ang bawat kwarto dito sa bahay.
Pagkatapos kong magsipilyo at maghilamos ay bumaba na ako sa sala. Nakita kong nakaupo si bestfriend Joanally at tsaka si poging Ranzcee. Omayghad! Akala ko si bestfriend lang ang bisita ko, nandito pala si poging Ranzcee. By the way, okay lang yan atleast nakakita na ako ng pogi ngayong araw. Charrr! Anlande ko talaga! Hahaha!
Agad akong pumunta sa pwesto nila. Biglang tumayo si bestfriend at yumakap siya sa akin. Kaya yinakap ko rin siya. Ang sweet naman nitong bestfriend ko. At ilang sandali pa'y naghiwalay na kami sa yakap na yun.
Nagkatinginan kami ni poging Ranzcee, nakaupo siya at bigla siyang ngumiti sa akin. Omayghad? Ampogi niya talaga.
"Bhes, kagigising mo?" tanong ni Joanally kaya ibinalik ko sa kanya ang tingin ko.
"Gising na ako kanina kaya lang nakaidlip lang ako sandali." sagot ko.
"Bhes, napano yang pisngi mo? Bakit namumutla?" nag-aalalang tanong nitong bestfriend ko.
"Wala 'to." Omayghad! Di ko napansing namutla pala. Baka ito yung sinampal ni Papa kanina. Anlakas kasi ng impact.
"Wala raw?! By the way, may pupuntahan ka?" tanong pa ni Joanally.
"Wala. Bakit?"
"Pwede bang lumabas ulit tayo? Nabobored kasi kami ni Ranzcee sa bahay eh. Di ba Ranzcee?" matapos niyang sabihin yun ay bigla siyang tumingin kay Ranzcee at nod lang ang tanging isinagot niya.
"Ahhh.. Eh saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Paano kaya 'pag pumunta tayo ng Park." suggest ni Joanally.
"Ang init kaya." sabi ko.
"Paano kaya kung magmomovie marathon na lang tayo sa bahay." sabi naman ni poging Ranzcee. Game ako dyan. Hahaha!
"Pwede rin." sabi ni Joanally.
"Game ako diyan." ang tanging nasabi ko na lamang.
"Sige, tara!" sabi ni Joanally. Ngayon ko lang napansin na kanina pa kami nakatayo ni Joanally. Haha! Tumayo si poging Ranzcee.
"Wait. Magpapaalam lang ako." sabi ko sa kanila.
"Sa Papa mo?" nagtatakang tanong nitong bestfriend ko.
"Hindi. Kay Yaya Dyosa ako magpapaalam. Alam mo namang di kami close ni Papa eh."
"Ahh. Nasaan pala sina Tita Aurora?" tanong pa niya sa akin.

BINABASA MO ANG
My Sister, My Enemy
Teen FictionIto'y istorya ng dalawang magkapatid na mag-aagawan dahil lang sa iisang lalake. Kung akala niyo ay babae silang dalawa, nagkakamali kayo. Isang babae at isang lalake or should I say a "Gay". At hindi lang yan, magkaaway din sila pagdating sa kanila...