Chapter 3

21 11 4
                                        


Louie's POV

Nagising ako dahil sa ingay sa baba. Ang aga-aga tapos ang ingay. Haiissstt! Nakakabanas!

Naghilamos na ako tsaka nagsipilyo tapos pagkatapos nun ay bumaba na ako.

"Good morning Kuya Louie!" pambungad sa akin ni Levi. Ang sweet talaga neto kahit half-brother ko lang siya. Di tulad ng ate ko, maldita. Never mind.

"Good morning din Baby Levi."

"Louie." tawag ni Tita Aurora sa akin. Kaya tumingin ako sa kanya.

"Ano po yun Tita?" tanong ko.

"Hmmm.. Pupunta kami ng Vigan City. Sama ka?" sabi niya. Buti pa siya kinakausap ako kahit di ko siya tunay na nanay. Di tulad ni Papa.

"Sorry Tita, di po ako makakasama." Ang tanging naisagot ko na lamang.

"Okay lang yan. Si Levi at si Papa mo na lang ang kasama ko." Omayghad! So? Maiiwan din yung maldita kong ate?! Kainis naman.

"Di po sasama si Ate Leanne?"

"Hindi rin. Gusto niya munang makasama mga friends niya eh." sagot niya.

"Ahh.. Kailan po alis niyo Tita?"

"Mamayang gabi na. May business meeting kasi Papa mo sa Vigan City at balak na rin naming magpasyal dun. Sayang, di kayo makakasama."

"Sorry po Tita kung di ako makakasama." Ang tanging nasabi ko na lamang.

"Okay lang. Hmmm.. Pupunta muna kami ni Levi sa Mall, may pinabibili kasi siya." sabi ni Tita Aurora.

"Okay po Tita. Mag-ingat po kayo."

"Bye Kuya Louie! See you later na lang." sabi ni Levi.

"Bye Baby Levi. Ingat kayo." sabi ko tapos nagwave lang siya tsaka sila umalis.

Pumunta ako ng kusina at kumain ng almusal. Di pala ako kumain kagabi, nakatulog kasi ako agad. Habang kumakain ako ay biglang bumaba si Ate Leanne galing sa kwarto niya. Nandito na naman 'tong maldita kong kapatid.

"Good morning lil' brother!" pambungad niya sa akin. Nasira na tuloy ang umaga ko dahil sayo. Haiisssttt!

Pumunta siya sa pwesto ko tsaka siya umupo.

"Balita ko may kadate ka raw kahapon." sabi nang maldita kong ate. Pinagsasabi neto?!

"Date? Wala akong kadate kahapon." inis kong sabi.

"Wag mo ng i-deny. Alam kong kadate mo si Jhon kahapon."

"Date? Si Jhon? Nakitable lang siya sa amin. Bakit? Nagseselos ka?" tanong ko sa kanya.

"Ako? Magseselos? WTF! As if naman na magustuhan ka niya. Di ka niya type girl! Di siya pumapatol sa baklang tulad mo. Wag kang masyadong assumera girl." sagot niya. Kainis talaga 'tong babaeng ito. Haiisssttt!

Hindi ko na lang siya kinausap. Akala mo naman close kami, nakakalimutan na ba niyang magkaaway kami?! By the way, di ko na talaga siya kakausapin.

"Hoy! Bakit ang tahimik mo na? Napagtanto mo na ba na di talaga kayo bagay ni Jhon?" pang-iinis niya sa akin pero di ko na lang pinansin.

"Pwede ba! Ang ingay mo!" sigaw ko sa malditang 'to.

"Makasigaw naman 'to, akala mo kung sino. Wala ka bang respeto sa mas nakakatanda sayo?! Mahiya ka naman girl." sabi niya.

"Respeto? Bakit? Nirerespeto mo ba ako? Kung tratuhin mo ako parang hindi mo ako kapatid. Ni minsan hindi ko naranasan na itinuring mo akong nakakabatang kapatid mo. Tapos sasabihin mong irespeto kita. Sorry pero di kita kayang respetuhin kung di mo rin ako nirerespeto."

"At talagang sinusumbatan mo pa ako ah!" sabi niya tapos bigla siyang tumayo tsaka niya ako sinugod. Bigla niya akong sinabunutan. Ouch! Ang sakit ng ulo ko. Ginantihan ko rin siya. Sinabunutan ko rin siya. Nagsasabunutan kami habang pagulong-gulong kaming dalawa. Nanggigigil ako kaya sinabunutan ko siya ng todong-todo.

"Anong kaguluhan 'to!" biglang sigaw ni Papa. Kaya napatigil kaming dalawa at agad kaming napatayo. Napatingin ako kay Ate Leanne, ang gulo pala ng buhok niya. Yan ang nababagay sa kanya. Karma is a B*tch!

"Papa?!" sabi ko. Natatakot ako kay Papa baka saktan niya ako.

"Anong ginagawa niyo?!" sigaw na tanong ni Papa.

"Si Ate Leanne po ang naunang nanakit sa akin. Bigla niya po akong sinabunutan kaya ginantihan ko lang siya." kinakabahan kong sagot kay Papa.

Lumapit sa akin si Papa at nagulat ako dahil bigla niya akong sinampal.

"PAK!"

"Anong karapatan mo para saktan ang ate mo?! Mas matanda siya kesa sayo." sabi ni Papa. Napatingin ako sa kapatid kong maldita, inirapan niya lang ako. Ikaw na lang palagi ang kinakampihan ni Papa. Haiisssttt!

"Pero pa-" magsasalita na sana ako pero biglang sumabat si Papa.

"Ano? Susumbat ka pa?! Respetuhin mo ang ate mo kasi mas matanda siya sayo. Hindi ka ba nahihiya?! Ikaw ang malas sa pamilyang 'to. Ikaw din ang may kasalanan kung bakit namatay ang Mama niyo. Salot ka sa pamilyang 'to." sigaw ni Papa sa akin. Naiiyak na ako pero di ko hahayaang tutulo ang mga luha ko sa harapan nila. Dapat matatag ako.

"Pero Pa, si ate ang nauna. Paano ko po siya rerespetuhin kung di niya rin po ako nirerespeto. Kung tratuhin niya ako ay parang di niya ako kapatid." sagot ko kay Papa.

"Tama na! Sa oras na saktan mo pa ang ate mo ay ako na mismo ang magpapalayas sayo sa bahay na ito. Naiintindihan mo?"

Wala akong masabi kaya nagnod na lang ako kay Papa. Inirapan lang ako nitong maldita kong kapatid. Puro irap na lang ang iginaganti niya sa akin. Kainis talaga 'to. Ang sarap niyang tirintasin. Pero patience lang Louie, makakaganti ka rin sa babaeng 'to.

"Sige po. Pupunta na po ako sa kwarto ko." pagpapaalam ko sa kanila. Pagkatapos kong sabihin yun ay umakyat na ako sa kwarto ko.

--------------

Joanally's POV

Hi guys. First time ko pong magkaPOV. Hahaha!

By the way, I am Joanally Locino and I am the bestfriend of Louie. Di ko lang siya bestfriend, para ko na rin siyang kapatid. Sa akin niya sinasabi lahat ng secrets niya at sinasabi ko rin sa kanya lahat ng mga sikreto ko. Alam ko rin kung sino ang crush niya at sa akin niya rin sinasabi 'pag sinasaktan siya ng maldita niyang ate. Maldita kasi yung ate niya. Akala mo siya ang reyna-reyna. Feelingera!

Oo nga pala. Nandito kami ngayon sa sala at hulaan niyo kung sino ang kasama ko. Sirit? Edi ang pinakapoging pinsan ko, si Ranzcee Alvin Montecarlo. Magkapatid ang Daddy ko at Mama niya kaya magpinsan kami.

Wala kaming magawa kaya nanonood na lang kami ng TV. Gusto ko ulit mamasyal with my bestfriend kaso baka busy yun.

"Pinsan." biglang sabi ni Ranzcee.

"Ano yun pinsan?" tanong ko sa kanya.

"Nabobored ako." sagot niya.

"Same tayo. Kanina pa ako naboboring."

"Hmmm.. Paano kaya 'pag lumabas ulit tayo. Mamasyal ulit tayo." suggest niya.

"Sige. Pero sunduhin muna natin si Louie para mas masaya." sabi ko.

"Sige." Lumabas na kami ng bahay at naglalakad na kami papunta sa bahay nila Louie. Malapit lang kasi ang bahay nila sa amin.

--------------

Nabitin ba kayo? Sorry kung pabitin si ako. Vote and follow my story. Thanks guys.

My Sister, My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon