Louie's POV
"Louie!!"
Nagising ako dahil sa sigaw na yun. Kainis naman! Panira! Ang ganda pa naman ng panaginip ko. Haiissstt!
"Louie!!" sigaw ulit ni Yaya Dyosa. Panira talaga 'to kahit kailan. Haiissstt!
"Ano ba yun?!" galit kong tanong sa kanya tapos binuksan ko na yung pinto.
"Hoy! Louie! Malelate kana. May pasok ka, di ba?" sabi niya.
"Omayghad! Nakalimutan kong first say of class namin ngayon." sabi ko.
"Anong oras na?" tanong ko sa kanya.
"Alas-siete na." tipid niyang sagot.
"Omayghad! Malate na talaga ako. Alas-otso kasi ang first subject namin."
"Kaya tumayo ka na dyan at maligo ka na." sabi ni Yaya Dyosa.
"Oo na. Maliligo na ako." sabi ko tapos tumakbo na ako papunta sa bathroom.
Nagsipilyo muna ako tapos naligo na ako. Sabon dito, sabon doon. Shampoo dito, shampoo doon.
Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako sa bathroom tsaka nagdamit na ako. NakaV-neck ako na kulay maroon tapos nagripped jeans ako. Naka-nike shoes din ako. Pagkatapos kong magdamit ay kinuha ko na yung bag tsaka ako bumaba papuntang dining room para makapag-almusal na ako. Umupo na ako at inumpisahan ko ng kumain. Mukhang nakaalis na yung maldita kong ate.
"Yaya Dyosa?!" tawag ko sa kanya.
"Ano yun sir este Louie?"
"Pumasok na ba sa school yung maldita kong ate?" tanong ko sa kanya.
"Oo! Kakaalis niya lang. Bakit?"
"Wala lang." tipid kong sagot.
"By the way, tapos na akong kumain. Ikaw na po bahalang magligpit ng pinagkainan ko ah. Bye!" sabi ko sa kanya.
"Ingat ka." sabi niya at ngiti lang ang iginanti ko sa kanya.
Lumabas na ako ng bahay. Oo nga pala. Sinong maghahatid sakin? Haiissstt! Mayaman nga kami kaso wala naman kaming driver. Saklap! Haha!
"Louie, sabay na tayong pumasok." bigla-bigla na lang sumusulpot 'tong lalaking 'to. Buti pogi siya. Ayyiieee! Ampogi mo talaga Ranzcee.
"Sige! Tara!" agad kong sagot sa kanya.
Ibinigay niya sa akin yung isa pa niyang helmet tsaka agad ko itong isinuot at sumakay na ako sa motor niya. At ilang sandali pa'y pinaansar na niya yung motor niya at kumapit na ako sa bewang niya. Ayyiieee!
BINABASA MO ANG
My Sister, My Enemy
Teen FictionIto'y istorya ng dalawang magkapatid na mag-aagawan dahil lang sa iisang lalake. Kung akala niyo ay babae silang dalawa, nagkakamali kayo. Isang babae at isang lalake or should I say a "Gay". At hindi lang yan, magkaaway din sila pagdating sa kanila...