Chapter 5

25 11 1
                                        


Leanne's POV

Hi everyone! I'm Leanne Jade Madrigal and I am the sister of Ian Louie Madrigal. My enemy! Grrrr!

Alam kong galit kayo sa akin dahil sinasaktan ko ang sarili kong kapatid. Anong magagawa ko eh kumukulo ang ulo ko kapag nandyan siya. Siya na lang palagi ang pinapaboran ni Mama nung buhay pa ang Mama namin. Yup! Patay na ang Mama namin dahil may cancer siya. Sige! Wag na nating ungkatin pa ang nakaraan baka magdadrama lang ako.

Nandito ako ngayon sa sala at inaantay ko yung kapatid kong bakla. Saan kaya nagpunta yun? 4:00 p.m. na pero wala pa rin siya?! Nanggigigil talaga ako sa baklang yun. Pero don't me kasi kahit inaaway ko siya eh love na love ko pa rin siya.

Naunang umuwi sina Papa at Tita Aurora at kasama pala nila si Levi. Agad akong tumayo sa sofa at nakipagbeso-beso sa kanila.

"Hi Papa.. Hi Tita Aurora." bati ko sa kanila at sabay smile.

"Nasaan si Louie?" tanong ni Papa sa akin.

"Sa bahay daw po ng bestfriend niya." sagot ko naman.

"Hon, maybe he want to spend his vacation with his friends. Hayaan na lang natin siya." sabi ni Tita Aurora kay Papa. Mas close kasi ni Tita Aurora si Louie kesa sa akin. Para siyang si Mama. Grrrrr! By the way, wala akong pakialam kung close sila!

"Papa? Pupunta po kayo sa Vigan City?" pang-iiba ko ng usapan.

"Yes baby girl. Why?"

"Hmmm.. Di na po ako baby, malaki na po ako. Pasalubong ko po ah. Sabi kasi ng mga friends ko na masasarap daw ang mga foods nila dun." sagot ko.

"Para sa akin, ikaw lang ang nag-iisa kong baby girl. Wag kang mag-alala, bibilhan kita ng pasalubong mo." sabi ni Papa sa akin.

"Ako rin Papa. Pasalubong ko ah."  biglang sabat ni Levi.

"Oo naman baby boy. Di ba sasama naman kayo ng Mama Aurora mo? Papasyal tayo dun at alam kong mag-eenjoy ka dun sa pupuntahan natin. Madami ring foods dun." sabi ni Papa kay Levi.

"Wow! Excited na po ako Papa." masayang saad ni Levi.

Napansin ko na parang di masyadong kaclose ni Papa si Louie. Madalas ay nagsisigawan sila at minsan nga'y sinasaktan ni Papa si Louie. Naaawa ako pero at the same time ay natatawa. Bagay lang sa kanya yun dahil siya ang palaging pinapaboran ni Mama noon. Pero past is past.

"Sige baby girl, mag-eempake na kami." sabi ni Papa sa akin. Pumunta na sila sa kwarto nila para makapag-empake na sila.

Naiwan akong mag-isa dito sa sala. At ilang sandali pa'y dumating na ang kapatid kong bakla este si Louie. Tumayo ako at bigla ko siyang hinarap.

"Saan ka galing lil' brother?" tanong ko sa kanya.

"None of your business." sagot niya. Kahit kailan napakamoody neto. Sabagay, kaaway ko siya.

"Nagtatanong ako ng maayos tapos ganyan lang ang isasagot mo sakin?! WTF!"

Hindi siya sumagot at naglakad na lang siya papuntang kwarto niya. Grrrrr! Bastos talaga 'tong kapatid ko. Never mind. Hindi siya kawalan.

Umakyat na ako papuntang kwarto ko. In-open ko yung Facebook account. Makikipagchikahan ako sa mga friends ko.

--------------

Louie's POV

Haiisssttt! Bwisit talaga yung maldita kong ate. Feelingera talaga siya, akala mo naman ang bait-bait niya. Nakakabwisit talaga siya.

My Sister, My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon