Chapter 1

33.6K 127 4
                                    

Dedicated to abbott651 ! Thank you giiiirl! You're always there to support me and my works. Sobrang thank you sa'yo. Luv luv.

Forbidden Love

Chapter 1

I

Malakas na hampas ang pinakawalan ko dahilan para mapunta sa kabilang side ng court ang bola. Isang malakas na pito ang nagpatigil sa amin sa paglalaro, tinawag kami ng professor namin kaya agad kaming lumapit dito.

"Class dismiss," inapiran naman niya kaming lahat, "nice game, nice game. Now, change your clothes."


"Yes, Sir!" sabay-sabay naming usal, tumakbo kami at nagmadaling magpalit ng damit sa locker room.


II

Nakasandal ako sa pader habang hinihintay ko silang matapos mag bihis. Jusko! Puro daldal!

"Hey! Nice game, Sophie!" pasigaw na sabi ni Fatima saka ako inapiran, nginitian ko siya at nag pasalamat. "Bakit hindi ka pa nagbibihis?" tanong niya.

"Hindi ako komportableng mag hubad sa harap ng ibang tao," sabi ko, tumango naman siya at ibinaling sa bag niya ang atensyon saka tuluyang umalis.

Tuluyang naubos ang tao sa locker room,"Finally."

Hinubad ko ang damit kong basang-basa na sa pawis, tanging underwear na lang ang suot ko, nakita ko sa salamin ang peklat na itinatago ko sa loob ng uniporme ko, mahaba ito at himalang nakaligtas ako, kung tutuusin maaring patay na ako kung hindi ako nadala agad sa ospital ng mga panahong iyon.

"Putangina anong nangyari diyan?!" nagulat ako nang may sumigaw mula sa likod ko. Maging siya ay gulat na gulat din habang tinuturo ang aking peklat.

Napasigaw din ako nang makita ko sa salamin ang hudas na nasa likod ko. Agad kong tinakpan ang katawan ko, pinagbabato ko siya ng kahit anong mahawakan ko, sapatos, medyas, bag, notebook, basta kahit ano.

"Lumabas ka rito!" dali-dali akong nag suot ng uniporme, wala na akong pake kung hindi maayos ang pagkaka-butones ko sa damit ko. Letse 'tong hudas na 'to.

Hinila ko ang damit niya at agad siyang sinunggaban ng suntok, dumudugo na ang labi nito at tumutulo na rin ang dugo mula sa ilong nito.

"Tama na..." pagmamakaawa nito pero hindi ko siya pinansin.

"Sophie Shey Gomez! Cliff Jay Ramirez!" sigaw ng professor namin, inaawat niya ako mula sa pagsuntok ko sa hudas na ito. Hinila nito ang isa kong kamay dahil handa na naman akong undayan ng suntok ang lalaki.

"Sir, T-Tulong !"

III

"Sir, siya ang may kasalanan!" sigaw ko habang tinuturo ang lalaking nasa harap ko. Namaga ang gilid ng mata niya pati na rin ang pisngi at panga nito, may bulak pa siya sa ilong para patigilin ang pagdurugo ng ilong niya.

"Wala akong kasalanan, pumasok lang ako sa locker room na 'yon kasi 'Men' ang nakalagay doon, ilang beses ko ba dapat ipaliwanag 'yon?" paliwanag naman nito, katunayan paulit-ulit na nga niyang sinasabi iyon, kanina pa niya ipinapaliwanag sa amin ang bagay na iyon ngunit ayaw kong pakinggan.

"Ang kapal ng mukha mo. Tinignan mo, nakita mo ang katawan ko, minanyak mo ako!" bwelta ko pa.

"Wala akong balak pagnasaan ang katawan mo! Wala ngang shape 'yan, tapos flat screen ka pa sa harap pati sa likod!" sigaw niya pabalik sa akin, nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya, napatingin naman ako kay Sir maging kay Ma'am na nasa harap namin, nagpipigil sa pag tawa ang dalawa na tila ba naaliw pa sa bangayan namin ng hudas na 'to.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon