Chapter 6

19.8K 75 0
                                    

Forbidden Love

Chapter 6


Nakapwesto na ang lahat, gayon pa man ay inilabas ko pa rin ang checklist ko at minabuting suriin ang mga detalye, inalam ko rin kung may mga aberya ba o mga problema. Sinimulan ko sa pagtingin ng mga rosas na preskong-presko hanggang sa mga bridesmaids. Lahat ay perpekto, nakatayo na ang groom sa harap ng altar, hindi magkamayaw ang magkahalong kaba at saya nito habang inaantay ang babaeng pakakasalan niya.

Dahan-dahan ang pagbukas sa pinto ng simbahan at bumungad sa amin ang liwanag hanggang sa unti-unti itong nawala at napalitan ng mala-manikang pigura na nakasuot ng traje de boda na si Ms. Ocampo. Kabi-kabila ang naririnig kong tunog na galing sa iba't-ibang camera ng mga maniniyot.

Nakangiti niyang tinignan ang lalaking paghahandugan niya ng buhay niya, natawa naman ito nang makitang umiiyak si Mr. Dela Paz, napagdikit pa nito ang dalawang kamay na wari mo ay nagpapasalamat sa diyos.

Kakapit na sana siya sa ama niyang nakatayo sa gilid ngunit tumanggi ang ama nito kaya napatigil sandali ang mga tao sa nangyari, lumakad ang ama nito palapit sa amain ni Ms. Ocampo na kasalukuyang umiiyak, tinuro pa nito ang sarili niya pero ngiti lamang ang iginanti ng Ama ni Ms. Ocampo, inakay nito ang amain papunta sa nakatayong si Ms. Ocampo.

“You stand as her father since she was just a kid even though she's not yours, you treated her like she's your own daughter. If there's someone who's much more deserving to walk with her in the isle, it's not me but you.”

Naluluha ang amain ni Ms. Ocampo, nakangiti niyang niyakap ang amain at inabot ang kamay nito. Hinarap naman ng amain ang tunay na ama at sinabing,“Salamat.”

Tuluyang naglakad si Ms. Ocampo at nakarating sa umiiyak na si Mr. Dela Paz, pinunas niya ang luha sa mata ng lalaki gamit ang mga kamay nito.

“Why are you crying ? Aren't you happy ?” masuyo niyang tanong sa lalaki.

“I can't explain the feeling, I'm beyond happy.” natatawang sagot ng lalaki.

***

“You may now kiss the bride.” after the priest said the wonderful line, the Groom started to unveil the Bride, he looks at the Bride's eyes down to her nose, down to her lips, he then began to kiss the Bride's lips.. Both of them are looking in love to each other, silly of me ! Of course, indeed they are.

Everybody's looking at them, some are crying because of happiness, some are just plain happy, and there are some like me who are wishing to have a wonderful wedding like this.

Someone pinch me, I look at the old lady and she's smiling at me,“You're next.”

“I hope so.” I smile to give back the smile that she gave earlier.

I look at the aisle for the last time and proceed to leave, looking at those couple who are deeply in love to each other just makes me feel insecure.

***

Agad kong pinalitan ang gown na suot ko, fitted shirt, ripped jeans at flat shoes ang ipinalit ko rito.

Pag bukas ko pa lamang ng kotse ko ay bumungad na sa akin ang malamig na hangin na tila ba yumayakap sa buong katawan ko, napatingala ako sa ulap, kaya pala malamig, nag babadya pala na bumagsak ang malakas na ulan.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon