Chapter 2

16.3K 91 1
                                    

Forbidden Love

Chapter 2


Nang makarinig kami ng sigaw ay umayos na kami, hudyat na umpisa na.

Hi, I'm CJ Ramirez and this is my girlfriend—” itinutok niya sa akin ang  video camera na hawak niya, hinarang ko naman ang kamay ko roon,“—Sophie Shey Gomez.”

Magulo ang kuha ng Cam at medyo nahihilo na ako sa kakapanood nito, gayon pa man ay hindi ko magawang alisin ang tingin sa pinanonood ko.

Hoy! Umayos ka nga, sasapakin kita!” hawak ni CJ ang cam at nakatapat ito sa aming dalawa, napapadaing na siya sa pagsabunot ko ng buhok niya pero nagagawa pa rin niyang ngumiti sa akin. How stupid this motherfucker is. “Bilis na, umayos ka kasi!

“Tino-torture mo lang ako e,” reklamo niya saka sumimangot. Itinapat niya ng maayos yung cam sa mukha mismo niya, sobrang lapit ng mukha niya habang pinapakita ang pagpapa-cute sa cam.

Natawa ako sa itsura niyang iyon, gustong-gusto ko na siyang kurutin sa pisngi.

“Ayan, Okay na. Ang cute talaga ng boyfriend ko,” hinalikan ko saglit ang bibig nito saka ko kinurot ang pisngi niyang matambok. Tinignan niya sa salamin ang itsura niya, nag side-view pa ito bago tumalikod, itinapat niya sa akin ang cam habang naglalakad siya palapit.

“Ano ba 'yan, Sophie. I look like shit,” aniya saka itinapat sa mukha ko ang cam, hinarang ko naman doon yung kamay ko.

“Hindi a, ang cute mo nga e, halika rito," ibinaba niya ang cam sa may mesa at nakatapat lang iyon sa bintana.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon