Forbidden Love
Chapter 8
“Ma, please.. I need to find CJ,” pakikiusap ko sa kanya, ibinagsak niya ang kutsara't tinidor sa mesa dahilan para mapapitlag ako.
“Ang kulit mo naman Sophie, hindi ko ala—Sophie !”
Lumuhod ako sa harap niya, kahit mugto na ang mga mata ko ay hindi pa rin ako tumigil kaiiyak, sumasakit na ang ulo ko at nanghihina na rin ang boses ko pero kinakaya ko.
“Tumayo ka diyan,” hawak niya ang braso ko at pinipilit akong patayuin.
“Mama, pakiusap. I know I've been a hardheaded daughter for four years but please, Ma, kahit ito lang. Kailangan ko si CJ, Mama.” sabi ko saka hinaplos ang mga binti niya.
Tumingin siya sa kisame at pumikit-pikit, naglakad ito palayo at iniwan ako. Pinunasan ko ang luha ko saka humikbi. Bumalik si Mama at inilapag ang isang bag sa mesa, tinitigan niya ako.
“Tumayo ka diyan, dadalhin kita kung nasaan siya.”
**
“I knew this day would come.. ” bumuntong hininga siya habang hawak ang mga kamay ko.
Hihilahin ko na sana palabas ang maleta ko pero nakita ko ang tatlong flower crown na nakalagay sa tokador, iyong isa na lumang-luma na ay ibinigay ni CJ noong una naming pagkikita, iyong isa naman ay noong araw na umalis siya at iyong isa ay bigay ng batang si Kyla noong kasal ni Mrs. Dela Paz.
Inalagay ko ang mga iyon sa kahon at itinago sa ilalim ng kama ko.
“Matagal na akong nakapagpa-book ng flight natin, mga ilang buwan na rin ang nakakaraan.”
Pinaharurot ko ang kotse papunta sa NAIA, hindi ko alam kung nasaan si CJ pero isa lang ang nasisigurado ko, wala sa Pilipinas si CJ.
Iniisip ko pa lang na makikita ko siya ay bumibilis na ang tibok ng puso ko, kamusta na kaya siya ? Siya pa rin ba yung lalaking minahal at minamahal ko ? Gwapo pa rin ba siya ? Maloko pa rin ba ? Nasa kanya pa kaya yung mga katangian na ginusto ko sa kanya ? Ako pa rin ba yung mahal niya ?
Napahinto ako sa huli kong naisip, paano kung hindi na ? Paano kung... Paano kung may iba na siya ? Makakaya ko ba ?
Ipinikit ko ang mga mata ko, pakiramdam ko masusuka ako sa sobrang kaba.
“Ma, saan ba—” hindi siya ako pinatapos at agad na sumagot.
“Sa Singapore.”
***
Napatingin ako sa paligid, matapos kaming makalabas sa napakagandang airport. Hinila ako ni Mama at sumakay ng taxi, mag ga-gabi na pero iba pa rin ang ganda ng Singapore, huminto kami sa isang fastfood chain, may Singaporean dollar naman kaming dala dahil bago makalabas sa airport ay pinapalitan ni Mama ang pera niya.
Inilapag ni Mama ang gamit niya sa upuan, ginaya ko naman siya,“Naiihi ako.”
“Samahan na kita, naiihi rin ako e.” sabi naman niya, napatingin ako sa bag namin.
“Paano yung bag ?” tanong ko pero hinila niya lang ako.
Habang naglalakad ay tinitignan ko ng tinitignan ang mga bagahe namin,“Kahit iwan ko yan diyan ng isang buwan walang magbabalak kumuha niyan. Ang mga Singaporean parte na ng kultura nila ang pagrespeto sa iba, mag iwan ka lang ng ballpen o tissue sa mesa o upuan ay walang magbabalak umupo doon dahil alam nilang may nagmamay-ari na noon.”