Chapter 7

18.8K 73 0
                                    

A/N: Starting to this point ay wala na pong flashback na sisingit, present time na lang ang mangyayari.

Forbidden Love

Chapter 7

Nagmamaneho ako papunta sa kung saan dahil gusto kong magpalamig muna.

“Oh damn, nakatulog pala ako.” naipreno ko ng biglaan ang kotse ko at ramdam ko ang pagkauntog ni Jessica sa backseat. “Hey !”

“What the fuck are you doing here inside my car, Jessica ? Paano ka nakapasok dito ?!” pasigaw na tanong ko sa kanya, nagulat naman siya sa sunod-sunod kong tanong pero mas nagulat siya sa huli kong tanong na,“Gumagamit ba kayo ni Carly ng drugs ?”

Ipinrotesta niya ang kamay niya at umiling-iling,“Excuse me padaan, Sophie. I may be a brat but taking drugs isn't my thing.” nilaro-laro niya ang buhok niya saka ngumuso,“Actually kanina nung kumuha ka ng gamit sa bahay niyo ay iniwan mong bukas ang kotse mo sa may garahe kaya pumasok ako, kaso ang tagal mo kaya nakatulog ako. Tanga mo lang kasi hindi mo ako napansin. Nasaan ba tayo ?” sumilip siya sa labas ng bintana at tinitigan ang lugar na binabagtas naming dalawa.

“Papuntang Cagayan,” sabi ko habang nakatuon sa daan ang aking mga paningin.

Napatakip siya sa bibig niya at sumigaw, sa pangalawang pagkakataon ay naipreno ko ang kotse ko ng wala sa oras.

Galit ang mga mata kong nilingon siya,“What the fuck is your problem ?! Bumaba ka na nga sa kotse ko !”

“Chill, kailangan nating bumalik sa Manila.. NOW !”

Nagsukatan kaming dalawa ng tingin ngunit mas nangibabaw ang akin,“Please, you need to know everything before it's too late.” pagmamakaawa niya sa akin, bumuntong hininga ako.

“I don't have a time for your jokes, Jessica.”

“I'll explain everything just please.. Please... Sophie.”

Muli naming tinahak ang daan papunta sa Manila, nakita kong may tinatawagan si Jessica habang kinakagat ang mga kuko nito. Mabuti na lang at hindi pa ako masyadong malayo sa Manila, lintik lang ang walang ganti pag nalaman kong isa na naman ito sa mga walang kwenta nilang pakulo.

“Let's stop to your house, Sophie. They're waiting for you.” aniya.

“Who ?” tanong ko pero hindi niya ako sinagot, isa na lang talaga 'tong hayop na 'to at tatadyakan ko na 'to palabas ng kotse ko.

Ilang oras lang ay nakarating na kami sa bahay, bukas ang ilaw sa lahat ng sulok ng bahay maging sa kwarto ko ay bukas din.

Hindi ko alam kung bakit pero biglang dinaga ang aking dibdib, ngayon ko lang naramdaman ang kakaibang pakiramdam na tila ba nagpapatigil sa akin na pumasok sa loob ng bahay.

Hinawakan ni Jessica ang balikat ko at tumango,“Tara.”

Naabutan ko si Mama na umiiyak at nakatayo naman sila Carly at Fatima sa gilid habang malalim ang iniisip.

“Anong meron ?” tanong ko, naguguluhan ako sa ginagawa nila.

Umupo ako at humarap kay Mama, hindi niya ako magawang titigan sa mata pero panay ang hingi nito ng tawad. Napatingin ako kila Carly pero hindi rin sila makapagsalita.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon