Chapter 3

27.5K 107 1
                                    

Forbidden Love

Chapter 3

Pinagmasdan ko ang coffeeshop ni Fatima, sa pagkakatanda ko after ng graduation ay ipinamama na ito sa kanya.




Kitang-kita ko sa loob si Jessica, Carly at Fatima, nagdadaldalan ang tatlo at nagtatawanan.


There's something that pushing me to go there and say "Hi", but I guess this is not the right time to step inside. Saka na siguro pag konti na lang ang dala kong sakit sa dibdib ko, in fairness na-miss ko ang tatlong 'to.



Walang nagbago sa kanila, si Carly pa rin yung taong napapalibutan ng diyamante ang tenga, kamay at leeg, si Fatima pa rin yung pumuputok ang labi sa kulay pulang lipstick at si Jessica pa rin yung taong kahit mainit sa Pilipinas ay nagsu-suot ng hanggang binti na cardigan, they're still the most perfectly imperfect person that I would love to be with.



Sumakay akong muli sa kotse ko, hindi ko alam kung saan ako pupunta, ayaw ko pa namang umuwi sa bahay dahil makikita ko lang at mararamdaman ang kasinungalingang nananalaytay sa buong pagkatao ko, ang kasinungalingang dati akala ko totoo.



“Sophie !” sigaw ng isang pamilyar na boses. Ang boses na 'yon, natitiyak kong kay Mama 'yon.



“London !” sigaw ng isa pang babae na sa tingin ko ay nasa 40's na. Nagmamadali silang pumunta sa kinaroroonan namin ni London.



Mama, anong ginaga—” isang sampal ang nagpatigil sa akin sa pagsasalita, galing 'yon sa babaeng kausap ni London kanina, nanlilisik ang mga mata nito at bakas ang galit sa kanya.


Magsasalita pa sana ako pero muli niya akong sinampal, mas malakas kumpara kanina dahilan para mapadapa ako sa sahig. Inangat ko ang ulo ko at nagtama ang paningin namin ni Mama, tinititigan lang niya ako.


Tatapakan sana ng babaeng 'yon ang ulo ko pero hinila siya ni Mama.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon