Chapter 4

26.5K 90 3
                                    

Dedicated to yes_jay yay ! Ikaw unang nag vote pagka-publish ko. ❤ Have a good day everyone !

Forbidden Love

Chapter 4

"Well Ma'am, ang pinakabago at in demand na venue namin ay sa lumang kastilyo kung tawagin nila," inilatag ako ang pictures ng lumang kastilyo, kinuha naman iyon ng babae at ipinakita sa kanyang magiging asawa. "Karaniwan na theme nila sa lumang kastilyo ay ang mala-fairy tale package namin, kumbaga mala-knight in shining armor ang datingan ng lalake samantalang damsel in distress naman ang datingan ng babae," inilapag ko ang ilang pictures ng mga couples sa fairy tale package namin.

Napakahirap maging wedding organizer lalo na kapag maarte ang costumer, may mga costumer na paiba-iba ng desisyon, costumer na makulit, at ibang-ibang klase ng costumer pero wala kang ibang magagawa kundi pakisamahan sila.

Ino-organize ko ang kasal ng kahit na sino, kahit mga taksil na nagkatuluyan, mga mang-aagaw, mga ahas basta kahit na sino.

"Honey, I like this one. When I was a kid, I always dreamed to be a princess," nagniningning ang mga mata nitong tumingin sa mata ng lalaki, bumuntong hininga ang lalaki at hinalikan ang noo nito.

"Sige, if that's what you want."

Ilang mga importanteng detalye pa ang pinag-usapan namin bago sila umalis, tinignan ko ang relo ko saka sumilip sa cellphone, bumungad rito ang memo ko tungkol sa pag-uusapan namin ni Ms. Ocampo at Mr. Dela Paz, agad kong kinuha ang bag ko at pinuntahan ang bahay ni Mr. Dela Paz.

Lumabas ako ng restaurant at dumiretso sa parking lot, binuksan ko ang radyo at nag patuloy na magmaneho.

"Okay, so here's the song requested from Singapore ! Singapore pa galing ang request na ito mga bes, pak ganern ! Mahal na mahal ni Koya ang babaeng pinaghahandugan niya ng kantang ito, so sweet naman. Whatever, walang forever, O ha ! Magka-rhyme 'yon, okay, enough chika na. Let's play this song, again this is DJ Jane, ang pinaka-virgin sa balat ng radyo ! Jane the virgin."

What the fuck ? Ang daldal naman ng DJ na 'to, badtrip. Ililipat ko na sana ang estasyon nang biglang tumugtog yung kanta.

🎶 Hey, there's a look in your eyes
Must be love at first sight
You were just part of a dream
Nothing more so it seemed

But my love couldn't wait much longer
Just can't forget the picture of your smile
'coz everytime I close my eyes
You come alive 🎶

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon