Chapter Three: The Start of Madness

55 7 14
                                    

Chapter Three: The Start of Madness





I was planning to invite Miyaka today. Binigyan ako ng dalawang ticket ng kapatid kong babae kanina. It's a horror movie.

"Is that him? He's so plain."

"Oo nga. Ano bang nakita ni queen sa kanya at pinatulan siya? Like duh~"

"Pero hindi mo ba nabasa ang ibang comments sa page? Maraming nagsasabi na gwapo raw siya."

"I don't care. Hindi parin mababago nun ang ginawa niya sa imahe ng ating queen bee."

I clenched my fist. Hindi ko sila papansinin. They can talk all they want. Some girls are really annoying. Puro sila satsat. I won't bend just because of petty rumors.

I love Miyaka. Miyaka loves me, too. That alone reason is enough.

Napahinto ako nang makita ko si Miyaka sa hindi kalayuan. Hindi ito nag-iisa. May kausap siyang lalaki.

Napahawak ako sa sling bag ko ng mahigpit. Hindi ko naririnig kung ano ang pinag-uusapan nila.

"Anong nangyayari?" May biglang dumaang dalawang babae sa gilid ko habang napapatingin sa dalawang sikat.

"Dunno. Baka sinusuyo ni king si queen. Alam mo naman ang kumakalat na balita, diba? Sigurado akong hindi hahayaan ni king na mangyari 'yun."

"Hahaha. Kawawang nerd naging rebound. Alam naman ng lahat na patay na patay si queen kay king. Hindi magtatagal at magkakabalikan ulit sila."

Nagpatuloy na sila sa paglalakad habang nag-uusap at tumatawa. Sinundan ko lang sila ng tingin. Napakuyom ako ng kamao at umalis narin sa lugar.

My Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon