Chapter Five: Lover's Quarrel

30 7 9
                                    

Chapter Five: Lover's Quarrel








"What do you think you're doing? Huh? Flirting with that nerd in front of me?" Aniya Miyaka sa galit na tono nang makarating kami sa aming tambayan dito sa likod ng lumang klasrum.

Napalunok ako ng laway. Why is she the one getting angry?

"Answer me, Ryuu! Tumingin ka nga sa akin." Nanggigigil na pakli nito at iginiya ang pisngi ko paharap sa maganda niyang mukha.

"I-I'm not flirting, pres."

"Yeah?" Taas-kilay ito. "Ano 'yung nakita ko dun kanina?"

"That was nothing. You're the only girl that I love, Miyaka."

Shit. Para na akong maluluha. Ayokong mawala sa akin si Miyaka. Kakalimutan ko na lang ang nakita ko kaninang umaga. Basta huwag lang siyang magalit ng ganito sa akin. Pakiramdam ko, iiwan niya ako. Ang lakas ng kabog ng puso ko.

Niyakap ko ito ng walang paalam na ikinabigla niya.

"Get off me, Ryuu."

Ryuu? Bakit hindi mo na ako tinatawag na babe? Mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap sa kanya.

"N-no. Please. Don't break up with me. I swear, I am not flirting with Margaret. Please, babe?"

I can't almost hear my pathetic voice. I buried my pathetic excuse of a nerd face in the crooked of her neck.

"Please, babe?"

Napabuntong-hininga ito.

"I am not breaking up with you, Ryuu. Bakit mo naman naisip 'yan?"

Naramdaman ko ang malambot na kamay nito sa may buhok ko.

"Really? Do you mean it?" I asked again. Fuck, I need an assurance that she's still mine.

"Yeah."

Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan ang maganda at makinis na mukha nito. Napadako ang tingin ko sa malambot na labi nito.

"It's yours, babe."

Biglang uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi nito. Nanginginig na hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito. By cue, she closed her eyes. I gulped.

Nilapit ko ang mukha ko hanggang sa maglapat ang mga labi namin. It lasted only 10 seconds.

"Heh. So innocent," Aniya habang nakangisi at niyakap ako ng mahigpit. "You're mine, okay babe?"

"Yeah. I'm only yours."

My Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon