Chapter Ten: Being Ignored

47 6 7
                                    

Chapter Ten: Being Ignored





Monday has come in a blur. The last two days was just a raindrop to me. I was busy enhancing my physical physique for the upcoming annual school's festival.

Yes, every 29th of September, we are celebrating the school's founding day and the school's festival.

They're be a lot of physical activity this time of year.

Malapit na ako sa may gate ng school nang makita kong bumaba si Miyaka sa isang magarang sasakyan.

I saw that man before.

"Miyaka, darling. I'll pick up you up later, okay?"

"Okay, dad."

I'm right. This man is Miyaka's biological father.

Nakatayo lamang ako malapit sa kanila. Binalingan ako ng tingin ni Miyaka pero kaagad rin niya itong binawi. Na para bang hindi niya ako nakita.

"I need to go, dad."

"Okay. Take care, darling."

"I will."

Sinundan ko lang ng tingin si Miyaka habang papasok siya ng gate. Nagmamadali.

Naramdaman kong may nakatitig sa akin ng matiim. I was right. It was from Miyaka's daddy. Ang sama ng tingin nito. I hastily entered the gate without looking back.

What just happened?

Am I being ignored?

Napailing ako. Baka nga hindi lang talaga ako nakita ni Miyaka.

Recess time came pero hindi ko kasabay kumain si Miyaka. Ayos lang naman sa akin kasi alam kong busy ang lahat ngayon sa paghahanda sa nalalapit na festival. Kahit section namin ay busy na rin kahit na noon pa man ay hindi na kami nag-aabalang lumahok sa mga paligsahan.

Pero ngayon inanyayahan kami mismo ng Principal. Kaya busy narin ang section namin.

Natapos na ang recess time at ngayon balik classroom na naman ako. I caught a glimpse of Miyaka and the company pero hindi sila dumaan sa hallway ng section namin. Kaya hindi ko tiyak kung siya nga 'yun.

Lunch time.

Naghihintay ako kay Miyaka sa aming tambayan.

Kinse minutos.

"Okay lang 'yan, Ryuu. Hintay ka pa. Hindi ka pa naman nagugutom."

Kalahating oras.

"Dapat sabay kayo ni Miyakang kumain. Maghintay ka pa."

Isang oras.

Para na akong tanga na kinakausap ang sarili ko dito sa likod ng building. Walang Miyaka na dumating.

Biglang tumunog ang sikmura ko. Nagrereklamo na ito bakit hindi pa ako kumakain.

Pero nawalan na ako ng gana. Nasanay na akong tuwing lunch time kasabay kong kumain si Miyaka habang nanlalambing ito.

Napatayo ako at pinagpagan ang aking pulang trouser dahil sa mga damo at duming kumapit.

"Oh, Ryuu? Bakit ngayon ka lang? Ang tagal mo naman yatang kumain ng pananghalian." Aniya Rose, class secretary namin.

Nilagpasan ko lang ito at dumiretso sa upuan ko. Alam kong nakatingin ang mga kaklase ko sa akin ngayon pero hindi na sila nag-abalang istorbohin ako. Nagpatuloy na lamang sila sa kanilang pagpapaganda sa silid sa pamumuno ni Margaret.

Ang bilis lumipad ng oras. Wala man lang akong naitulong para sa klase namin. Hindi na ako nagpaalam sa mga kaklase ko at nauna ng lumabas ng silid. Babawi na lamang ako bukas at sa mga susunod na araw.

Uwian na at ngayon hihintayin ko si Miyaka sa gate.

Hindi rin naman nagtagal at nakita ko na siyang lumabas ng gusali kasama ang kanyang mga kaibigan. Nagtatawanan sila sa isa't isa. Pati si Miyaka ay abot hanggang tenga ang ngiti. Ang aliwalas niyang tignan. Para talaga siyang anghel.

"Miyaka." Pagtawag ko sa kanya. Tumigil sila at tumingin sa akin.

Napansin kong napakunot ang noo ni Miyaka.

"Tss. Your nerd boyfriend is here."

"Gals, mauna na kayo. Susunod na lang ako, okay?"

"Okay. Laters."

Tumango si Miyaka at pumunta na ang tatlo nitong kaibigan sa parking lot. Humarap ito sa akin. Nahugot ko bigla ang hininga ko.

Shit. I miss Miyaka.

"What is it, Ryuunosuke?" Aniya.

"Huh?"

She rolled her beautiful eyes.

"What is it that you want? Busy ako kaya bilisan mong sabihin ang gusto mong sabihin."

May galit sa tono nito.

"Miyaka. Ano bang nagawa ko? Galit ka ba sa akin?" Halos hindi ko na marinig ang boses ko.

Nakita kong nag-iba ang templa ng mukha ni Miyaka at bumalik sa normal niyang mukha sa tuwing nakikita niya ako pero hindi 'yun nagtagal ng dumating ang kanyang ama.

"Darling, Miyaka."

Napalingon si Miyaka at ngumiti.

"Kung wala kang sasabihin, mauna na ako sa'yo. Paalam, Ryuu."

Hindi ko na ito napigilan sa kanyang pag-alis.

Napakuyom ako ng kamao.

My Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon