Chapter Eight: Messages
"Oh, kuya? Akala ko ba gagamitin mo ang tickets na ibinigay ko sa'yo? Ba't ang aga mo namang umuwi?" Bungad ng kapatid ko nang maabutan ako nito na nagtatanggal ng sapatos.
"Nah. Ibabalik ko na lang 'yun sa'yo, Aki." Sagot ko at nilagpasan ito.
"Huh? Eh ngayong araw lang 'yun pwede kuya. Sayang naman. Oi. May problema ba?" Sigaw nito.
Dire-diretso lang akong umakyat ng hagdanan.
"Welcome home, Ryuu." Aniya mama nang lumabas ito ng kwarto ni Aki. May dalang basket ng labahan.
"I'm home." Bulong ko at sinarado ang pintuan ng kwarto sabay lock nito.
Itinapon ko ang suot kong sling bag sa may kama ko at tska ako tumalon roon.
Shit.
Nagagalit ako.
Gusto kong ilabas ang nararamdam kong 'to.
Gusto kong manuntok.
Gusto kong umiyak.
Gusto kong sumuko.
Pero hindi ako makakapayag na ganun na lang ang mangyari sa aming dalawa ni Miyaka.
I can still fight.
Miyaka is mine.
She's mine.
Siya lamang ang tanging babaeng may lakas ng loob na guluhin ang utak at buong pagkatao ko. Ngayon ko lamang naramdaman ang ganito kasidhing damdamin. Tipong ayaw ko na siyang pakawalan.
Mahal ko si Miyaka.
Hindi ito maliit na bagay na dapat na lang itapon at isuko.
Napakuyom ako ng kamao.
Beep. Beep.
Napalingon ako sa itim na cellphone na naiwan ko kaninang naka-charge. Pero ngayon natanggal na ito. Baka tinanggal kanina ni mama. Lumiwanag muli ito ng may mensaheng dumating.
Tumayo ako at inabot ito. Nilagay ko ang tamang Pin at binuksan ang application na messenger.
May mensahe ako galing kay Miyaka.
Shit. Si Miyaka.
Miya Queen
You're friends on Facebook
Lives in Tokyo, Japan
——————————————————————————————————SEP 13 AT 11:10 PM
You are now connected on Messenger.6:13 PM
Miya is waving at you!
Use the latest version of
Messenger on your phone to
wave backBabe?
San ka ba nagpunta kanina? 😭
Iniwan mo na lang akong
nag-iisa.7: 11 PM
Ganun? Seen lang ang peg?
Hoi!
Excited pa naman akong
manuod ng cine.😭
😭
😈
7:18 PM
Isang seen mo pa, mister.
Tss.Makikita mong hinahanap mo.
Hello, Miyaka. I'm sorry.
May inaasikaso lang saglit.
Tss.
San ka ba nagpunta kanina?
👿
Emergency lang sa bahay.
Sorry.
What? 😱
Anong nangyari?
Nothing important.
Don't worry, okay? Everything's
fine now.You sure?
Pwede mong i-share sa akin.
Thanks but it's fine already.
Okay. 😊
8:12 PM
About the movie. Let's watch
it next time, okay?8:15 PM
Babe?
8:20 PM
Natutulog ka na ba?
8: 35 PM
Guess, you're sleeping
huh?Good night, Miyaka.
Seen At 9:13 PM
11:1O PM
I love you.
BINABASA MO ANG
My Twisted Love Story
Short StoryI know nothing about her but since I saw her that day. I fell in love at first sight. All I can think about is I want to make her mine. She's going to be mine.