Chapter Seven: A Perfect Couple
Ding. Dong. Ding. Dong. Ding. Dong.
For the first time in my entire student life. Ngayon ko lamang hiniling na sana matapos na agad ang lecture at makauwi na kami. Ngayon ko lamang hiniling ang ganitong bagay.
Kahit si Margaret ay hindi makapaniwala nang agaran kong ipasok ang mga gamit ko sa itim kong sling bag na tila ba may humahabol sa aking demonyo. Dati kasi ako ang panghuling tao na lumalabas ng klasrum kasi ayaw kong nakikipagsiksikan sa hallway.
Ayoko ng maingay.
Halu-halong amoy ng mga kapwa ko mag-aaral.
"May date ka ba ngayon, Ryuu?" Tanong ni Margaret habang nagsisilid rin ng kanyang makakapal na libro sa kanyang backpack.
"Y-yeah. I invited Miyaka to watch a movie."
"Hmm. Good for you." Aniya at hindi na nagsalita. "I just hope hindi ito magiging hadlang sa mga high grades mo, Ryuu. Well. Mauna na ako sa'yo."
Napatango na lamang ako sa kanya at isinilid ang panghuling aklat, ang diary ko.
Hindi magiging destruction si Miyaka para sa pag-aaral ko. In fact, she's my first inspiration. Mas lalong gusto kong bumangon ng maaga para pumasok.
Naglalakad na ako sa hallway habang nakatungo. Hindi ko mapigilan ang sayang nararamdaman ko ngayon. Narating ko na ang gate at nakita kong wala pa si Miyaka.
"Tss. The infamous nerd is still here? Himala."
"Huwag niyo na nga 'yang pansinin. Masyadong gloomy 'yung aura."
"Oo nga. So creepy. Sana lang matauhan na si queen at hiwalayan ang nerd na 'yan. Duh! Hindi kaya sila bagay."
Napakuyom ako ng kamao. Tss. Gaya ng dati hindi ko na lamang sila papatulan. Ayokong manakit ng babae.
Napaangat ako ng tingin ng biglaang may tilian sa paligid.
"Kyaaaah. Bagay talaga sila."
"Oo nga. King and Queen. Perfect match."
"Wala na talaga tayong chance mga besh. Ang ganda lang ni queen. Taob tayo."
There in the middle of the crowd, Miyaka together with her ex-boyfriend was walking side by side. They're shining too much. Masakit sa mata. Sa likod nila ay ang kani-kanilang popular circle of friends.
Napansin kong nakakunot ang noo ni Miyaka pero ngumingiti parin ito sa tuwing may tumatawag at pumupuri sa kanya.
Sikat talaga si Miyaka.
Napatago ako sa malapit na puno ng tinanaw ni Miyaka ang pwesto na kinatatayuan ko. Nakita kong napasimangot ito ng makitang walang naghihintay sa kanyang Ryuu sa harap ng gate.
How could I?
I just realized. They're a perfect match.
A perfect couple.

BINABASA MO ANG
My Twisted Love Story
Krótkie OpowiadaniaI know nothing about her but since I saw her that day. I fell in love at first sight. All I can think about is I want to make her mine. She's going to be mine.