Chapter Six: A Friendly Reminder

36 6 3
                                    

Chapter Six: A Friendly Reminder









"Babe, do you want to watch a movie after school?"

"Whoaah? Manunuod tayo ng sine? Are you inviting me for a date, babe?" Miyaka teased.

"It's only a free ticket from my little sis, tho."

She pouted. "You have a little sister?"

Napatango ako.

"Cool. I always wanted to have a cute little sibling. I want to meet her someday, okay?"

"Yeah."

Napangiti ito at tumayo na.

"Let's go later, hm'kay? Manuod tayo ng sine at kumain. Magkita na lang tayo sa gate ng school." Aniya.

Napangiti ako. "Okay. I'll wait for you."

Tumayo narin ako at sabay na kaming naglakad pabalik ng gusali. Plano ko sanang ihatid ito sa kanyang section ngunit biglang dumating ang kanyang kaibigan.

"Later babe." Aniya at hinalikan ako sa pisngi saka dinaluhan ang nakasimangot niyang kaibigan.

Guess, hindi parin talaga sila boto sa akin para sa kanilang popular friend. Ano pa bang aasahan ko? I'm a gloomy nerd, after all.

Walang magkakagusto sa isang katulad ko.

Hindi ako ka-gusto-gusto.

I'm a loner.

A nerd.

Swerte ko na lang at pumayag si Miyaka na maging girlfriend ko.

"Ryuu, ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Pumasok ka na," Ani Margaret na kanina pa pala nakatingin sa akin. "Ryuu."

Napalingon ako sa kanya nang muli niya akong tawagin.

"Just a friendly reminder. Don't get yourself too attached to something that's only temporary. Masasaktan ka lang."

Matapos niya itong sabihin ay sinarado niya ang pintuan at tumungo na sa kayang upuan.

Bigla kong naalala ang pag-uusap ni Miyaka at ng ex niya kaninang umaga.

Temporary?

Paano kung isang araw bigla na lang magbago ang isip ni Miyaka at sabihing hindi niya pala ako gusto at wala na siyang planong suklian ang kahangalan ko?

No.

Hindi ako makakapayag.

Miyaka is mine.

My Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon