Chapter Nine: Just An Ordinary Day

26 5 5
                                    

Chapter Nine: Just An Ordinary Day






Saturday.

Ang ginagawa ko sa tuwing katapusan ng linggo ay pupunta akong National Library at magreview.

Pero bigla yatang nagbago ang ihip ng hangin at naisipan kong ilaan ang oras ko sa pagjojogging.

Hindi ko forte ang mga ganitong bagay. Ayokong pinagpapawisan ako gamit ang lakas ng katawan ko. Mas gusto ko paring pagpawisan ako dahil sa pag-aaral ko. Mangalay ang kamay sa kakasulat ng importanteng key kesa naman mangalay ang paa ko kakatakbo.

Napahinto muna ako saglit at hinabol ang hininga ko. Ininom ko ang dala kong Pocari at muling nagpatuloy sa pagtakbo dito sa parke malapit sa bahay.

Marami rin akong kasabayan. Kadalasan mga matatanda na o di naman kaya ay magkasintahan kasama ang alaga nilang aso.

Dalawang ikot pa ang ginawa ko hanggang sa sumuko na ang mga tuhod ko. Shit. This is tough. Parang pakiramdam ko ang tanda-tanda ko na.

Bakit kasi ngayon ko lang naisipang gamitin ang katawan ko sa ibang bagay? Puro na lang kasi ako aral ng aral.

"Huh? Ryuu? Is that you?"

Napaangat ako ng tingin.

"Oi, pres. Andito ka rin?" Tanong ko.

Pawisan narin ito kagaya ng kasama niyang maliit na babae. Nailang ako bigla dahil sa titig na ipinupukol nito sa akin.

"Ah, nga pala. Ryuu, pinsan ko si, Sheena. Sheena, si Ryuu, kaklase ko." Pagpapakilala sa amin ni Margaret.

Napatango na lang ako. So, pinsan niya pala ito.

"Kilala ko siya," Aniya Sheena. "Diba ikaw 'yung infamous boyfriend ng campus queenbee? Alam mo bang sikat ka sa page ng school?"

Bigla namang namula ang mga pisngi ko.

"Sheena."

"What? Totoo naman kasi."

Napakamot na lang ako ng batok. So, hanggang ngayon pinag-uusapan parin pala kami ni Miyaka. Kailan kaya matatapos ang rumors na 'to?

Big deal talaga sa mga fans ni Miyaka ang nangyari.

Hinding-hindi nila matatanggap na sa katulad kong nerd napunta ang queen nila.

"Ryuu, mauna na kami. May bibilhin pa kasi kami. Sige." Aniya Margaret.

"Okay. Ingat."

Nakita kong nagtatalo ang magpinsan habang tumatakbo.

Napaupo ulit ako saka napabuntong-hininga.

Ano ba dapat kung gawin?

Isuko na lamang itong nararamdaman ko?

Pero hindi eh, naiisip ko pa lang parang pinipiga na ang puso ko. Mababaliw ako.

Ayokong mawala sa akin si Miyaka. Ngayon pang naging akin na siya? Ngayon pang hawak ko na siya?

Tss.

Gagawin ko ang lahat. Huwag lang akong iwan ni Miyaka.

Kahit lumpuhin ko pa siya para hindi siya makatakbo at isipang iwanan ako. Ikulong sa basement. Gagawin ko.

Si Miyaka ay para sa akin lamang.

Akin!

My Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon