chapter 3

192 6 0
                                    

Andi's POV


Magkukulong lang ako dito sa kwarto ko. Ayukong makita yung lalaking yun! Hinalikan niya ako kanina then ngayon sasabihin niyang boyfriend ko siya! Talaga?! Arh!

Nakahiga lang ako sa kama. Nang may narinig akong katok.

TOK, TOK, TOK



Baka si mama. Gusto niya sigurong makipagbati dahil sa ginawang sekreto niya. Kinumutan ko ang sarili ko. Gusto kong naglalambing si mama sa akin. Narinig kong bumukas ang pinto. May naramdaman akong humiga sa kama ko.


"Andi..." Napabalikwas ako ng bangon nang narinig ko ang boses ni Melvin.


"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ko sa kanya.


"Please, huwag kang magalit"


"Umalis ka nga dito?! At bakit ka nga nandito?!"


"Lagi ako dito." Nakahiga parin siya sa kama ko. Habang ako nakaupo lang sa tabi niya. "Minsan nga sabay tayong natutulog dito ng magkatabi." Pumuot siya. Ang gwapo niya pumuot. Ang pupula ng labi. Andi! Gising! Ang pangit kaya niyang lalaking yan! "Alam mo bang ikaw ang nanligaw sa akin?" Nakangisi niyang sabi.


"Ano?! Ang desperada ko naman para patulan ka! Ano bang nakita ko sayo?!"


Biglang nag seryoso ang ekspresyon niya kaya nakaramdam ako ng konting kaba. Hinila nalang niya ako pahiga at umibabaw siya sa akin.


"Ano ba?!" Galit kong sigaw sa kanya. "RAPE! RAPE! RAPE!" Sigaw ko. Di napalitan ang ekspresyon niya. Nanatili siyang seryoso.


"Wala dito si tita. Namalengke. Dito ako mag di-diner at tayong dalawa lang ang nandito"


"Ano?!" Tinulak ko siya ng pagkalas lakas at ako naman ang puma ibabaw sa kanya. "Hoy! Kung may balak ka sa akin na masama. Huwag mo nang ituloy. Baka may magawa pa akong masama" tinaasn ko siya ng kilay. Sana matakot siya doon. "Sigurado akong wala kang kwentang boyfriend kasi di ka nagpakita nang nag ka amnesia ako. At ang bastos mo pa. Baka wala talaga akong narararamdaman sayo in the first place dahil sa pagkawala mo. Kung boyfriend kita, nandoon ka ng nasagasaan ako, nandoon ka ng na coma ako at nandoon ka ang nawalan ako ng alaala. Sa tingin ko deserve mong hindi kita maalala" umalis ako sa pagkakaibabaw sa kanya at lumabas sa kwarto.

Ewan ko kung saan ko nakuha ang mga katagang yun, ang mga pinagsasasabi ko. Ang alam ko lang yun ang gustong sabihin ng puso ko.

secret behind the memoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon