chapter 28

92 2 0
                                    

Andi's POV

Araw ng reunion. Sa beach namin naisipang mag celebrate. Habang nag se-celebrate ang iba. Kami naman ni Melvin tudo ingat sa pagtakas.

Ang hirap kasi ng pinagdanan namin kahapon sa kamay ng mga kamag anak ko, lalong lalo natong si Melvin. 

Sinuntok ba naman ng pinsan ko dahil nabuntis niya ako, as if naman totoo yun. Si tita din sinampal at pinagalitan si Melvin dahil wala daw itong matinong trabaho, kung alam lang nila na boss itong sinasabi nilang walang kwentang boyfriend.

At ito pang matindi. Bawal ang PDA, no hugs, no touch, no kiss, kahit lumapit si Melvin sa akin ay pagagalitan nila. 

Di ba nila alam na nasasaktan ako sa ginagawa nila?

Ang mahal ko ay pinapahirapan nila.

Nakarating kami ni Melvin sa dulo ng beach, sa gilid ng dagat parin syempre. Walang cottage dito o kahit tao ay wala. Mga puno lang na nagsisilbing lilim sa lugar.

Sinunggaban agad ako ni Melvin ng halik. Nabigla ako pero unti unti ko itong sinusuklian. Namimiss ko talaga itong si Melvin. Pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya at sa kanya naman mga kamay niyang nasa baywang ko.

Hinihingal kaming pareho ng tumigil na kami. "I love you." At dinampian nanaman niya ako ng halik sa labi.

"I love you too." Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Kahit nakikita kita, di ko maiwasang masaktan dahil alam kong di man lang kita mahawakan o malapitan man lang."

"Melvin, sorry. Sorry, sa ginawa nila sayo." Hinawakan ko ang mukha niya at ang labi niyang may pasa dahil sa suntok ng pinsan ko. Dalawang suntok at isang sampal ang natanggap niya kahapon. Namuo ang luha ko. "Sorry."

"Uy, huwag kang umiyak, ah. Makakasama yan sa baby natin." Natampal ko naman siya.

"Tumigil ka nga."

"Ay. Tama. Di pala yun totoo noh? Itotoo kaya natin?" Nakangiti siya at taas baba ang kilay niya. Natawa nalang ako. Binaon ko ang mukha ko sa leeg niya.

"Soon. Soon, Melvin."

"Bakit soon pa? Eh pwede naman ngayon." Tumawa nalang ako habang ang mukha ko nasa leeg niya. Magkayakap parin kami. "Exited na akong magkapamilya kasama ka. Sigurado akong masaya yun."

Tumango nalang ako. 

Di ko maiawasang matawa dahil naramdaman ko ang kamay niya na nasa loob ng t-shirt ko. 

"Pagdating ng tamang panahon may laman na ito."

"May laman nayan, Melvin." Nanlaki ang nata niya kaya natawa naman ako. "Laman loob. Hahaha!"

"Tawa ka na niyan. Sayang. Akala ko naman may junior na tayo."

"Tunigil ka nga di pa nga nating nagagawa yung-ano. Tapos ngayon sasabihin mo na si junior yun."

"Bakit? Gusto mong gawin yung- ano." Bulong niya. Tumindig naman ang balahibo ko. Namula ako kaya binaon ko ang mukha ko sa leeg niya.

"Hahaha. Namumula siya." 

"Di ah."

"Talaga lang, ha?"

"Oo naman."

Dinampian niya ng maliliit na halik ang leeg ko at balikat.

"Melvin! Tigilan mo nga yan! Nakikiliti ako."

"Mmm?"

"Tumigil ka." Gusto kong magseryoso pero di ko mapigilan dahil sa mga halik niya, nakikiliti ako. 

Bigla nalang naging, marahan ang halik niya. Yung ramdam na ramdam ko ang labi niya na dumadampi sa balat ko. Napakapit pa ako sa batok niya. 

Pinagpatuloy niya ang ginagawa niya habang ako ay napapapikit. Di pangkaraniwang ang nararamdaman ko. Di ko alam dahil ngayon ko lang to. Di ko mapigilang umungol.

Naisip ko tuloy yung nasa bathtub ako at naghalikan kami ni Melvin, parang ito ganito ang nararamdaman ko.

Naglalakbay na ang kamay ni Melvin sa loob ng t- shirt ko. 

Tumaas ang halik ni Melvin. Mula sa leeg napunta yun sa labi ko. Yung nasa bathtub kami. Pinigilan niya ang sarili niya dahil baka may mangyari sa amin. Bakit? Alam niya ba ang ganitong feeling?

"Melvin, virgin kapa ba?" Natanong ko nalang bigla. Tumigil siya sa paghalik at mataman akong tiningnan. Nag iwas siya ng tingin. "Silence means yes."

"Huh? No!" Sabi niya agad.

"Ha?! Di kana virgin?!"

"No. I mean..." Ginulo niya ang buhok niya. Lumayo ako sa kanya at umupo sa buhangin.

"Kaninong babae?"

"Ano?! Andi naman! Huwag ka namang mag isip ng ganyan!' Umupo siya sa tabi ko. "Okay, di ko siya mae-explain."

"Kaylan nawala ang pagka virgin mo?" Nasa dagat lang ang tingin ko.

"Huh? A-ano? Andi, naman.."

Niyakap ko nalang ang tuhod ko.

"Okay, I tell you the truth. Arh... Make out lang ang ginagawa ko, okay?"

"Kanino naman? Kaylan?"

"Andi... Di ko masasabi sayo ngayon." Biglang humina ang boses niya. Ako naman napapikit. "Andi, please. Huwag kang magalit." Umupo nalang ako bigla sa hita niya at hinalikan siya labi.

"Thank you for being honest, but don't keep secrets, okay?" Tumango naman siya. "I love you, Melvin.".

"I love you, Andi." At hinalikan ko siya ulit.

~•~

Bumalik na kami sa cottage. Syempre magkalayo at hanggang tingin lang ang magagawa namin.

"Andi!" Napatingin ako sa cottage. Si mama. "Andi, anak." 

"Mama!" Niyakap ko si mama. "Akala ko di ka dadating."

"Ako pa dadating ako syempre. Nasaan si Melvin?" Tanong ni mama.

"Tita.." Tawag ni Melvin at nakipag beso kay mama.

"Oh.. Teka. Ba't ang layo niyo sa isat isa? Nag away ba kayo?"

"Di po!" Sabay na sabi namin.

"Ah.. Halika kayo doon muna tayo sa cottage, e kwento niyo naman sa akin kung naging maayos ba ang pag tira niyo sa iisang bahay."

Pumunta kami sa cottage. Nandoon din si tita at mga pinsan ko.

Tumabi ako kay Melvin. Tiningnan ko si tita na ang sama ng tingin sa amin. "Pabayaan mo na sila." Bulong ko kay Melvin. Tumango naman siya.

"So? Magkakaapo na ba ako?" Nakangiting tanong ni mama.

"Ehem... Yang anak mo buntis yan! Di mo alam?!" Singit nivtita pero di ko siya pinansin. 

"Mama naman. Wala pa sa plano namin ang magkaanak. Ang babata pa kaya namin."

"Ha?! Andi, huwag kang magsisinungaling sa mama mo!" Tiningnan niya si mama. "Buntis yang anak mo. At ikaw! Bakit pinapayagan mo magka boyfriend?! Ngayon buntis! Ito namang anak mo di marunong pumili ng makakarelasyon! Ang pinili ba naman na boyfriend yung walang permenteng trabaho! Kaya papaano ang anak nila niyan?! Huwag na huwag lang talaga kayo lalapit sa amin pag walang wala na kayo!" 

Napapikit nalang ako sa iritasyon ang sakit naman niya magsalita.

"Ha? Ate, ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ni mama kay tita. "Baka mali ang rinig mo sa kanila. Kasi itong si Melvin may napakalaking kompanya niyan at siya ang may ari. May mansyon nga yan, mayaman yan! Nakaka offend naman yang sinabi mo ate. Alam mo ba?! Yang boyfriend ng anak ko na sinasabi mong walang matinong trabaho ay may isang malaking kompanya, mas mayaman pa nga siya sa pinag sama niyong yaman."

"A-ano?" Di ko namalayan na nandito na pala lahat ng mga kamag anak namin at rinig na rinig ang pinagsasasabi nila.

"At ano itong ginawa niyo kay Melvin?! May pasa sa gilid ng labi! Ano ba yan?! Anong ginawa niyo?!"

secret behind the memoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon