chapter 8

103 4 0
                                    


Melvin's POV

Pinagbuksan ko ng pinto si Andi. Syempre gentlemen ito. At dagdag pogi points. Lumabas si Andi sa kotse.

Nandito kami ngayon sa bahay na binili ko. Oo ako talaga bumili. Patay na ang mga magulang ko at ako ang nagapatakbo ng isang malaking kompanya na ipinamana sa akin. Kasabay ng pagtatakbo ng kompanya ay ang pag aaral ko. Yun ang dahilan kung bat ako umalis.

"Nasaan na tayo?" Tanong ni Andi.

"Sa bahay natin"

"Ano?!" Tumawa lang ako at hinila siya papasok sa bahay.

"Welcome to our house. Simple lang ang binili ko gaya ng sabi mo noon" sabi ko. Mansyon sana ang bibilhin ko pero naalala kong gusto ni Andi ng isang simpleng bahay.

Naisip ko tuloy kung alam ni Andi na mayaman ako.

"Tayka? Binili mo ito?" Di makapaniwala niyang sabi. "Baka naman nanghingi ka sa mga magulang mo para mabili ito."

Ngumiti ako sa kanya. "Wala na akong mga magulang" nalungkot naman siya bigla.

"Sorry."

"Ayos lang" hinawakan ko ang kamay niya at umakyat kami sa second floor. Tumigil kami sa isang kwarto. Binuksan ko ito. "Ito ang magiging kwarto natin" sabi ko. Lumabas ako at tinuro ang tatlong pinto sa katabi ng kwarto namin. "At yun naman para sa mga anak natin, pero kung madadagdagan ang anak natin. Magpapadagdag pa ako ng kwarto." Nilingon ko siya. Kagat kagat niya ang labi niya.

"Anv matured mo naman mag isip" parang narinig ko na yan. "Di pa nga sigurado kung tayo ba ang magkakatuluyan" tinapunan ko siya ng masamang tingin. Ngumiti lang siya. "Aminin mo Melvin alam mong di sigurado na tayo ang magkakatuluyan."

"Di sumagi sa isip ko yan"

"Di tayo ang magkakatulu-" siniil ko na siya ng halik. Ayukong sinasabi niya yan sa akin dahil noon siya ang nagsasabing kami ang magkakatuluyan.

"Sigurado ako doon. Alam mo bakit? Kasi mahal na mahal kita. At alam kong mahal na mahal mo din ako. Nawalan ka lang ng alaala pero ang puso mo ay di nakakalimot. Nandiyan lang yan sa puso mo. Nakabaon. At huhukayin ko yan"

Tumango siya. "Hahayaan kita. Hahayaan kitang mahalin ako at hahayaan ko rin na mahulog sayo."

"Baka...napipilitan ka lang dahil nakabili na ako ng bahay."

"Hindi, ah! Hahayaan ko ang sarili ko dahil may tiwala ako sayo. May tiwala ako sayo na ako lang ang mamahalin mo" napangiti naman ako.

"Mahal na mahal kita, Andi."

Andi's POV

"Mahal na mahal kita, Andi" bumilis ang tibok ng puso ko at biglang sumakit ang ulo ko. Napahawak ako sa ulo sabay ng pagpapakita ng isang alaala.

~•~

"Andi..." Tawag ni Melvin. Naglalakad lang kami kapag umuuwi sa bahay para may oras kami sa isat isa. Galing lng kami ng school.

"Bakit?" Tiningnan ko siya. Tinuro niya ang malaking bahay na nadaanan namin.

"Bibilhin ko yun." Sabi niya.

"Bakit? Doon ka titira?"

"No. Doon tayo titira"

"Ano? Mahal yan. Malaki ang bahay nayan, mukhang mansyon"

"Tamang tama yan para sa pamilya natin sa hinaharap"

Umiling ako. Ayoko sa malaking bahay.

"Ayoko diyan. Napakalaki gusto ko, kung magkakaanak man tayo doon sa makikita ko lang. Sa isang simpleng bahay na may masasayang pamilyang nakatira"

"Yun ba ang gusto mo?"

"Oo. Gaya niyan" sabay turo ko sa simpleng bahay namay second floor. "Magkakapamilya tayo. Ganyan ang bahay natin at sigurado akong tayo ang magkakatuluyan."

Tumawa siya at pinagsalikop ang mga daliri namin.

"Mahal na mahal kita, Andi" sabi niya sabay halik sa pisngi ko.

~•~

"Mahal na mahal din kita" na bulalas ko nalang. Dumilat ako.

"Ano ang sabi mo?" Tanong ni Melvin. Isang alaala nanaman. Tumakbo ako pababa, palabas ng bahay. Tiningnan ko ang kabuhuan ng bahay.

Ito yun. Ang bahay na naaalala ko. Ang bahay na pinangarap ko at sa kinatatayuan ko ngayon ay sa kung saan kami nangako.

secret behind the memoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon