chapter 1

256 8 0
                                    


Melvin's POV............................

Naglahad ako ng braso sa kanya. Napangiti siya. Tumakbo siya sa akin. Gustong gusto ko na siyang mayakap. Pero nagkamali ako nilagpasan lang niya ako. Ano? Ano yun? Tiningnan ko siya kung saan siya papunta, doon siya pumunta. Nakipag apiran siya sa mga ibang lalaki. Really?! Imposibleng di niya ako nakita! Lumapit ako sa kinaroroonan niya at nung ibang lalaking kasama niya.

"Andi!" Tawag ko.

Lumingon siya sa akin.

"Bakit?" Inosente niyang tanong.

Parang di lang niya ako kilala. Galit parin ba siya sa akin dahil sa pag alis ko?

"Andi..." Niyakap ko siya. "Nandito na ako. Huwag ka ng magalit, please..." Ayukong di mo ako pinapansin at parang di mo ako kilala.

"Uh... Mister?" Bahagya niya akong tinulak. "Nangyayakap ka nalang bigla... Sino ka ba?" Tanong niya. A-ano? Sino ako?

"Andi, Ano ka ba? Please... Huwag mo akong pinagloloko. Alam ko namang di mo ako matitiis." Sabi ko ng nakangiti.

"Oy! Andi!" Sigaw ng isang babae na nasa malayo.

"Jane! Uuwi kana?" Tanong ni Andi doon sa Jane ata.

"Oo. Sabay na tayo." Lumapit si Jane at tiningnan ako.

"You look familiar" sabi ni Jane sa akin.

Ngumiti ako. "Uh.. Kilala mo, toh?" Tanong ni Andi sabay turo sa akin. Tayka. Ano ba ang nangyayari? Galit parin ba si Andi sa akin.

"Andi!" Sigaw ko kay Andi. Nabigla naman silang dalawa. "Please, dont play games!" Saway ko.

"Anong play games?! Eh di nga kita kilala at sumisigaw ka pa!" Sigaw din niya.

"Talaga? Di mo ako kilala?" Sarkastiko kong saad sa kanya

. "Oo" mataman niya akong tiningnan. Hinawakan ko ang chin niya at inangat ito. Dito ko malalaman kung ano ang totoo. Nilapit ko mukha ko sa kanya at hinalikan siya.

"Woah!"

"What the.."

Narinig kong sigaw ng iba. Nabigla ako nang tinulak ako ni Andi at sinampal. Di lang yun sinuntok pa niya ako sa mukha. Shit! At kaylan pa siya natutung manuntok.

"Bastos! Manyak!" Sigaw niya. "Eww.." Bulong pa niya.

"Huwag ka ng magpapakita sa akin kahit na kaylan" sa sinabi niyang yun. Tumigil ang mundo ko, ang puso ko parang sasabog. Hindi siya ang Andi na nakilala ko. Ang Andi na nakilala ko ay malambing, dependent sa akin, childish at mahal ako. Tiningnan ko lang siyang umalis habang ako nakatunganga lang..................

{End of chapter 1}

secret behind the memoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon