chapter 12

97 1 0
                                    


Melvin's POV

"Bakit mo ginawa yun?!" Galit kong sigaw kay Max. Siya ang nanghalik sa akin. Wala akong pakialam kung nakikinig ang mga kaklse namin.

"Sorry di ko namam alam na may girlfriend ka" naiiyak niyang sabi. Ginulo ko ang buhok ko. Kinuha ko ang bag ko.

"Uy, saan ka pupunta?" Tanong ni Klient isa din siya sa mga kaibigan ko.

"Makikipag ayos kay Andi"

"Baka masuntok ka nun. Tibo pa naman yun" sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano? Nagsasabi ako ng totoo. Kilala kaya siya dito sa school. Basta pare nanununtok yun" umiling ako at umalis. Pupuntahan ko si Andi sa classroom niya.

Andi's POV

"Ayos ka lang? Kaylangan mo ng inhaler? Sensitibo pa naman yang asthma mo. Iiyak ka lanv di kana makahinga" sabi ni Jane.

"Ayos lang ako." Nasa classroom na kami. Wala rin kaming teacher. May meeting ata lahat ng teacher ngayon. Pininasan ko ang mga luhang lumalandas sa mata ko. Huminga ako ng malalim.

"Ayos ka naba, Andi? Bakit ka umiyak?" Tanong ni John. Nasa akin nadin ang atensyon ng mga kaklase namin.

"Ayos nga lang ako" pinatatag ko anv sarili ko. Pinigilan ko ang umiyak. Pero nasa dibdib ko parin ang sakit.

"Sino yung lalaking yun, Andi? Boyfriend mo ba yun? Bakit di ko alam na may boyfriend ka?!" Sigaw ni Jane.

"Di ko siya boyfriend'

"Pero makaiyak ka, makasigaw ka sa kanya parang kayo. Ibig sabihin MU?"

"Oo. Ayaw niya sa akjn gagawin kong mutual ayaw ko rin sa kanya"

"GWAPOOOO!!" Tiling sigaw ng mga kaklase kong babae. Arh! Ayoko sa mga tili nila! Nakakabingi! Yumuko nalang ako. Sinandal ko ang ulo ko sa upuan. Matutulog nalang ako. Napagod ako sa kakaiyak.

"KYAAAAAAHHHHHHH!" Arh! Nakakairita sila.

"KYAAAAAHHHHHHH!!"

Nairita na ako. Tumayo na ako.

"PWEDE BA?! TUMAHIMIK KAYOOOOOOOOO!" Sigaw ko. Tumahimik naman sila. Nakatingin sila sa gilid ko. Tiningnan ko yun. Nanlaki ang mata ko nang nakita si Melvin. Napakaamo ng mukha niya. "Anong ginagawa mo dito?"

"Please... Let me explain." Huminga ako ng malalim. Lahat naman binibigyan ng second chance. Pinag ekis ko ang braso ko sa dibdib at mataman siyang tiningnan.

"1 minute. Starts now.."

"Ha?! Ah, okay. Siya ang humalik sa akin, kaibigan ko siya, may gusto lamg siya sa akin kaya niya nagawa yun.... At "

"At nagustuhan mo naman" malamig kong sabi sa kanya.

"Ha?! Hindi! Alam mo namang ikaw lang"

"Talaga lang, ha? Kaibigan? May pangitingiti kapa. At talaga gusto ka niya?" Nakataas kilay kong sabi.

"Oo. Kaibigan ko lang siya. Malay ko bang nagkagusto siya sa akin. Kasalanan ko bang gwapo ang future husband mo" sabay kindat niya sa akin. Tumili ang mga kaklase ko.

"Tigil tigilan mo ako Melvin di mo ako madadala sa ganyan"

Bumuntong hininga siya. "Sige. Di ka madadala dun, ha?" Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Dali dali ko naman siyang tinulak.

"Anong gagawin mo?"

"Hahalikan ka. Di naman ako nasarapan sa halik ng babaeng yun. Alam mo namang adik ako sa halik mo"

"KYAAAAAAAHHHHHH!!"

"UYYYYY! ANDI! DI NA TIBO!" Sigaw ng mga kaklase ko. Umiling ako.

"I love you, Andi" sabi ni Melvin. Umiling lang ako. At nanatiling seryoso.

"Sa tingin mo napatawad na kita?" Malapit kaya niya akong mapatay.

"Ano bang gusto mo para mapatawad ako?" Tanong niya.

"UMALIS KA AT HUWAG KA MAG CUTTING CLASSES!" Sigaw ko. Baka kasi may plano siya may bag panaman siyang dala. "Pag uusapan natin to sa bahay."

"Sa bahay natin?" Nakangiti niyang sabi. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero di naman masama ang sinabi niya maganda nga doon sa bahay namin dahil maraming pagkain pero baka may gawin tong lalaking ito sa akin.

"Hindi."

"Sige. Alis na nga ako. Baka pagalitan pa ako ng future wife ko" another tili nanaman. Hayy..

secret behind the memoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon