chapter 6

115 5 0
                                    


Andi's POV

"ARAAAAAYYY!!" Sigaw ko sa sobrang sakit. May isang babaeng humihila sa buhok ko na di ko masyadong maaninag ang mukha.

Medyo blurd kasi.

"ANG LANDI! LANDI MONG BABAE KA!!" Sigaw niya sa tenga ko. Sumakit ang tenga ko sa sigaw niya.

"Please... Tama na!" Naiiyak kong pakiusap.

"IWAN MO NA KASI SIYA! HIRAM LANG ANG BUHAY MO!"

"MAHAL KO SIYA!!" Sabay tulak sa kanya ng malakas. Lumayo siya sa akin.

"KUNG DI DAHIL SA AKIN, DI MO SIYA NAKILALA! NAGSISISI AKONG MAKILALA KA!" Sigaw niya.

~•~

"Andi, ayos ka lang?" Kinuha ni Melvin ang panyo sa mata ko. Pinunasan niya ang mga pawis na lumalandas sa noo ko. "Pinagpapawisan ka. Lumabas na tayo" hinila niya ako, palabas ng kwartong, yun.

Ano yun? Isa ba yung alaala? Sino yung babae?

Tiningnan ko si Melvin. May bumalik na alaala sa akin dahil sa halik niya. Kung sasama ba ako kay Melvin mas madadagdagan pa ba ang maaalala ko?

At ano yung sinabi ng babae? Hiram lang ang buhay ko?

Dinala ako ni Melvin sa canteen. Umupo kami.

"Ayos ka lang ba, Andi?" Hinawakan niya ang mukha ko. "Namumutla ka pa" dagdag niya.

"Ayos lang ako. Nainitan lang" hinawi ko ang kamay niya sa mukha ko. Nag iwas siya ng tingin at may naglalarong ngiti sa kanyang labi. "Anong ningingiti ngiti mo diyan?" Tanong ko.

Umiling siya. "Wala" pero halatang halata na may iniisip siyang nakakatawa. Naalala ko bigla yung pag halik ko sa kanya. May kinalaman ba yun sa mga ngiti niya ngayon?

"Melvin..." Tawag ko.

"Bakit?"

"May naalala ako nung..." Nag iwas ako ng tingin. Feeling ko namumula ako.

"May naalala ka? Ano? Kaylan?'

"Nung naghalikan- Arh! Ayokong sabihin! Basta! Babae yun!"

"Babae? Bakit kaylan mo naalala yan? Oh..." Lumiwanag ang mukha niya at ngumisi na para bang alam na niyang dahil yun sa halik. "Dahil ba doon? Pwede natin yun gawin ulit para madagdagan ang alaala mo" taas baba ang kilay niya.

Kinilabutan naman ako sa sinabi niya. Pero paano kung sa pagsama ko sa kanya ay may maalala ako?

Sasama ba ako? O lalayo nalang?

~•~

Guys! Sasama ba siya o lalayo nalang?

secret behind the memoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon