chapter 32

93 2 0
                                    

Andi's POV

"Ano yan?" Tanong ko kay Melvin na ngayon ay nasa sala. Isang linggo narin ang nakaraan bang lumabas ako ng hospital.

"Alak?"

"Ba't meron ka niyan?"

"Manonood ako ng movie. Samahan mo ako." Di pa naman siya lasing pero may mga canned beer na sa mesa at mga pagkain.

"Ba't ngayon mo lang sinabi?"

Padabog akong umupo sa tabi niya. Nag start nayung movie. Nakatutok lang siya sa movie. Tiningnan ko siya napaka seryoso niya sa pinapanood niya. Kinuha ko ang isang beer na bukas na at ininom yun. Gusto ko kasing e try. At sa uhaw ko rin tinuloy tuloy ko.

"Oppss! Tama na." Sabay kuha ni Melvin sa beer. Tumango nalang ako. Siya ang umiinom pero minsan minsan sekreto akong kumukuha at iniinom yun. Hanggang sa di ko na alam anong nangyari.

~•~

Nandito kami ni Melvin sa mansyon ni papa dahil nandito si Axel at mama. Gusto ko silang bisitahin.

Di na nanin kinasuhan si Axel. Minor pa siya at pinapatawad ko na siya.

Dapat nga ako ang humingi ng tawad dahil ako ang dahilan kung bat niya yun ginawa.

"Sigurado ka baba dito?" Ulit na tanong ni Melvin simula palang kami sa bahay.

"Oo naman at nandito na tayo, oh." Sabay turo ko sa mansyon nanasa harap namin.

"Baka kasi saktan ka niya." Nag aalala niyang saad. Ngumiti lang ako Kay Melvin.

"Bati na kami."

"Bahala ka. Basta this time nandito ako sa tabi mo kung sakaling saktan ka niya."

"Di niya ako sasaktan." Tumango nalang siya. Kita naman sa mukha niya na di siya sumang ayon sa sinabi ko.

Pumasok na kami sa mansyon at bumungad sa amin si mama at papa namay kausap na doctor. Papaalis narin naman ang doctor.

Lumabas na ang doctor.

"Bakit may doctor?" Tanong ko.

"Pinatingnan namin si Axel." Sagot ni papa.

"Pinatingnan?"

"May sakit siya sa utak." Saad ni mama na kinabigla ko.

"Walang sakit si Axel. Lalong lalo na sa utak." Mataman kong sabi.

"Di mo ba nakita ang ginawa niya? Pinagtangkaan ka niya!" Mariing saad ni mama.

Walang sakit sa utak si Axel. Alam ko yun. Ang kailangan lang naman niya ay pagmamahal ng mga magulang.

Lumapit ang isang kasambahay namay dalang tray namay pagkain, tubig at gamot.

"Ma'am... Dadalhin ko baba ito kay ma'am Axel?" Tanong niya.

"Oo." Sagot ni mama.

Bago pa makaalis ang kasambahay. "Ako na." Saad ko. Kinuha ko ang tray sa kany . "Ako na ang magdadala kay Axel nito." Tumango naman ito at umalis. Umakyat naman ako papunta sa kwarto ni Axel. Ramdam ko ang presensya ni Melvin na sumusunod sa akin.

Nang nasa tapat na kami ng pinto ni Axel, hinarap ko na si Melvin.

"Ako nalang ang papasok."

"Huh? Wag! Ayuko!" Pagproprotesta niya.

"Please... Melvin, gusto ko siyang makausap. Kapatid sa kapatid, babae sa babae."

Napabuntong hininga si Melvin at tumango. Pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Sumigaw ka lang kapag may ginawa siyang masama." Bulong ni Melvin sa akin bago niya sinara ang pinto. Naiwan siya sa labas at ako naman ay dumiretso sa kama ni Axel. Nilagay ko sa side table ang tray. Wala siya rito sa kama.

Bumukas ang pinto ng banyo. Lumabas si Axel doon. Nagkatitigan kami. Wala kasi siyang make up at kamukhang kamukha ko talaga siya.

"Andi.." Banggit niya sa pangalan ko.

"Axel..." Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Namiss kita." Sabay kalas sa yakap. Hinawakan ko ang mukha niya. "Ayos ka lang?" Ngumiti naman siya at tumango.

"Sino ang kasama mo? Si Melvin?"

"Oo, actually nasa labas siya." Sabay turo ko sa pinto.
"Alam mo? Gusto ko siya."

"Straight forward mo naman."

"Oo gusto ko siya para sayo." Napangiti naman ako.

"Makikita mo rin ang sayo."

Tumango naman siya at naglakas papunta sa side table. Kinuha niya ang gamot at tubig susubuin niya sana ang gamot pero pinigilan ko siya.

"Para saan ang gamot nayan?" Tanong ko kahit alam ko naman para saan.

"Gamot ko para sa..."

"Sa?"

"Sa.. Utak." Kinuha ko ang gamot at nilagay sa basong tubig, kinuha ko ang kutsara at inihalo doon.

Pumunta ako sa halamanan na nasa loob lang din ng kwarto ni Axel at tinapon doon.

"Bakit mo ginawa yun?!"

"Di mo yun kailangan." Malamig kong saad.

"Kailangan ko yun!"

"Axel! Ang kailangan mo ay pagmamahal ng tunay na mga magulang at kapatid. Makakasama lang yan sayo!"

"Bakit?! Doktor ka ba?!"

"Hindi ako doktor pero kapatid mo ako!"

"Ito ba ang plano mo para makapaghiganti sa akin?!"

"No!"

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa si mama, papa at Melvin.

"Anong nangyayari?!" Baritonong tanong ni papa.

"Wala pa-"

"Anong wala?! Nagsisigawan na kayo!"

"Sorry dad." Mahinang sabi ni Axel na nakayuko. Tinuro naman siya ni mama.

"Ikaw! Ikaw nanaman nito!" Sigaw ni mama.

"Mama hindi! Kasalanan ko! Tinapon ko ang gamot niya." Saad ko. Napakunot naman ang noo nila.

"Bakit mo ginawa yun?!"

"Ma, di niya yun kailangan. Wala naman siyang sakit, eh. Kailangan lang niya ng pagmamahal galing sa inyo. Pagpapahal galing sa akin bilang kapatid. Yun lang ang kailangan niya."

Umalis ako bago pa sila makapagsalita. Sumunod naman si Melvin sa akin. Lumabas kami ng bahay, pumunta sa kotse niya. Nang nakapasok na kami.

Nag drive lang siya ng tahimik. May sasabihin pala ako sa kanya. Sa totoo lang noong nakaraang linggo ko pa ito sasabihin eh.

"Teka, Melvin. Di na pala ako dinadatnan feeling ko buntis ako." Sa labas lang ng bintana ako nakatingin.

secret behind the memoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon