chapter 17

90 1 0
                                    


Andi's POV

Papalabas na kami ng building nang may di ako inaasahang makita dito.

"Axel!" Tawag ko. Lumingon siya sa akin at saka lumapit.

"Hi, sister" bati niya at nakipag beso pa. Bumalimg siya kay Melvin. "Hi, Melvin"

"Loe" malamig na sagot ni Melvin. Napailing nalang ako. Ano kayang isyu nila sa isat isa?

"Bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Uhm.. Titingnan ko lang yung gown. At makikipagkita sana ako kay Melvin e."

"Busy ako." Singit ni Melvin.

"Oh... I see.. So, Andi. Anong plano mo sa birthday natin?"

"Uhm... Wala pa naman. Maaga pa kasi"

"Mas maaga, mas mapaghahandaan. At mabuti naman pinasyal ka na ni Melvin dito"

"Oo nga. Di ko alam na ganito pala siya ka yaman." Ngumiti lang si Axel.

"Axel! Let's go?" Tanong ng isang babae. Pinasandahan niya ko ng tingin at si Axel. Balik nanaman sa akin. Natawa nalang ako. "You're Andi, right?"

"Yes"

"Oh well. By the way, Andi alis na kami. Nakakaabala na kami sa date niyo." Sabi ni Axel.

"Sige. Bye Axel."

Axel's POV

Nang nakaalis na sila Andi.

"Friend, galing ng fake smile, ah" sabi ni Lea. "Parang di lang nagagalit. Yun pala ang kapatid mo?"

"Oo" mataray kong sagot.

"Eh, paano yan? Nagkakapalagayan na sila"

Napangiti naman ako. Yung ngiting tagumpay. "Dahil nalaman na ni Andi namay ganitong kompanya si Melvin, maghihiwalay sila"

"Huh? Bakit naman?"

"Si Andi kasi siya yung babaeng childish noon, matured ngayon."

"So. What do you mean?"

Kinindatan ko lang si Lea. Alam kong gagana ang plano ko. Mag aaway sila at maghihiwalay.

Melvin's POV

Nandito na kami sa mansyon ko. Dito ako nakatira. Si Andi napanga nga nalang.

Hinawakan ko ang kamay niya at ginaya sa loob. Pagpasok sa loob. Bubungad sayo ang napakalaking hagdan.

"Halika may ipapakita ako." Sabi ko sa kanya. Umakyat kami sa taas. Habang naglalakad kami lagi niyang tinitingnan ang mga picture na nasa dingding. Napahinto siya sa isang malaking larawan kung saan nandoon kaming apat. Ako, si mama, si papa at si Andi.

"Teka, ba't ako nandito? Ako ba ito? O si Axel?"

"Ikaw yan."

"Ibig sabihin nakita ko pa ang mga magulang mo bago sila namatay?"

"Oo"

"Ano bang ikinamatay nila?"

Umiling nalang ako ayukong pag usapan. Napakasaklap kasi. Tumango naman si Andi.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Huminto kasi sa isang napakalaking pinto. Binuksan ko yun.

"Pasok. Ito ang kwarto ko. Dito tayo tumatambay noon" napatango naman siya at pinasandahan ang paligid.

Andi's POV

Ang amoy ng kwarto niya napaka pamilyar baka siguro dahil nakapunta na ako.

~•~

Nandito ako sa kwarto ni Melvin. Masaya siyang nakikipag usap sa akin. Pero di ako komportable sa pag uusap namin dahil sa tuwing tinitingnan ko siya sa mata. Lagi kong naaalala ang pagsisinungaling ko.

Habang masayang nag kwe- kwento si Melvin. Nasa harapan ko siya at naka upo kami sa kama. Bigla nalang ako naiyak. Disigido akong magtapat. May nararamdaman ako sa kanya pero hiram lang ang buhay ko.

"Oh? Axel, bat ka umiiyak?"

~•~

Axel? Isa nanamang alaala. Pero ba't Axel?

Umupo ako sa kama ni Melvin.

"Andi, ayos ka lang?"

"Ba't mo ako tinatawag na Axel noon?"

"Huh?"

"Ba't mo ko tinatawag na Axel noon?" Nag iwas siya ng tingin. "Melvin, sabihin mo ang totoo"

"Sige." Tiningnan niya ako sa mata. "Dati nagpanggap ka bilang si Axel dahil gusto mo makita ang papa mo at itong si Axel naman ang may pakana. Habang nagpapanggap ka bilang siya, si Axel ay nagpakasaya."

"May relasyon ba kayo ni Axel noon?"

"Wala" sabay tango niya.

"Anong wala? At bakit may tango pa? Melvin naman.."

"Okay. Si Axel ay fiancé ko since birth."

"A-ano?" Kaya pala magkakilala sila. Pero bakit parang magkagalit sila?

secret behind the memoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon