Oh Please

51 2 0
                                    

JB's POV

"ANO BA?! AYUSIN MO NAMAN!" Inirapan niya ako at bumulog bulong.

Kanina pa ako gigil na gigil at gusto ko ng manapak. Peste tong babaeng 'to hindi marunong makinig. Andito kasi kami ngayon sa park, Tinuturuan ko siya magdeliberate ng idedeclaim niya. Hiyang hiya na nga ako dito kasi kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao.

-__________________-

"Isa pa! from the top! --and please try to make it moooooooore emotional!" hinilot ko ang sintido ng ulo ko. Stress na stress na ako sa babaeng 'to.

"tch. Can't we break for awhile? Im tired." Nagpout siya at tumabi sa inuupuan kong bench. (Nakatayo siya kanina) umurong ako sa dulo ng upuan dahil baka masapak ko ng 'di oras to sa sobrang inis ko. Kanina pa kami dito mga 1st period. Excuse na kami sa lahat ng subject. 7:30 1st period namin. Pumunta kami dito ng mga 8 dahil nakipag diskusyunan pa ako kay Ms. Torres. Maling mali talaga na pumayag ako na turuan ko itong taong 'to. Im giving myself a pain. \m/

I looked at my watch. Oh its already 11:30 na pala.

tinignan ko siya from toe to head. pawis na pawis na siya. mukang pagod na nga talaga, napa smirk ako.

"Anong nginingiti ngiti mo jan? Don't tell me nagagandahan kana sa akin? wushooo ikaw naman kasi masyado kang indenial. kunyari masungit ka sakin para lang mapansin kita. tch. bulok na yang style mo! hahahahaha" Tawa siya ng tawa. yung tawang nakakainsulto? sarap manakal -____-

"Hoy wag kang assuming, kahit ikaw nalang ang natitirang babae dito sa balat ng lupa never kitang papatulan. May taste ako no. Alam mo? gutom lang yan. Sige na umalis kana bumalik ka nalang mamaya at baka kung ano pang magawa ko sayo!" Asar. nakakapikon tong babaeng to. BWISET! tumigil siya ng kakatawa at parang ngayon lang narealize yung sinabi ko. napansin kong nanlaki din ang mata niya at hinawakan ang taas ng dibdib niya. umurong din siya sa pinaka dulo ng upuan. so ang position namin is dulo-dulo kami ng inuupuan naming medyo mahabang bench

"Oh my God. Ganyan ka naba ka obsses sa akin at gagawan mo na ako ng masama? rerapin mo ako? waaaaah don't ever go near me. And don't try to what you call that thing? --ahh. Kulam!" Kung nanlaki ang mata niya sa sinabi ko mas nanlaki naman yung akin sa sinabi niya. At dahil nga medyo mahaba ang inuupuan namin is kelangan medyo lakasan yung boses para magkarinigan. At dahil nga din sa lumakas ang boses niya e pinagtitinginan na kami ng mga taong dumadaan sa harap namin. pati nadin yung nakaupo sa left and right benches na katabi ng inuupuan namin. Umusog ako papalapit sakanya na hahawak hawak padin niya ang taas ng dibdib niya.

"Ano ba yang pinagsasabi mo?! pwede ba gumising ka jan sa ilusyon mo?! sa susunod wag kana magsasalita dahil baka--"

"baka ano? halikan moko? nako style mong manyak ka!" Medyo bulong din nya sakin. napansin niya din sigurong pinagtitinginan na kami.

"Hindi! dahil baka mapatay kita ng wala sa oras! BWISEEEET!"Tumayo na ako at naglakad palayo sa babaeng yun. ramdam ko din ang mga tingin ng mga taong madadaanan ko. This is bullsh*t! Binilisan ko nalang ang paglalakad ko at ng makawala na sa mga matang nakatingin. Bakit nga ba ako pumayag na turuan yang babaeng yan? Oh geez for the nth time im asking that in my self >____________<

*FLASHBACK*

"But Miss, I can't do it." pagpoprotesta ko. andito ako ngayon sa english department para sabihin na ayaw kong ako ang magturo kay Evans. Nagpangalumbaba siya na parang walang kainte-interes sa sinasabi ko.

"Tell me why you can't, Mr. Enriquez?"

"'Coz we're no good when were together." Isinandal niya ang likod niya sa swivel chair.

"Is there 'together' with you two?" Kinowt niya pa yung word na 'together' using her two fingers. at saka ngumiti ng nakakaloko.

"Ofcourse we dont have any kind of words like that. Hindi kami magkasundo paano kami magtutulungan? we're not even friends." pagmamatigas ko.

"Then make friends with her." Seriously? napipikon na ako.

"Please Miss. I can't do this. If you want ako nalang uli ang magpaparticipate sa declamation contest." Please say yes!

"I can't Mr. Enriquez. May rules ang Contest. Kelangan babae ang sumali at hindi din pwedeng sumali na ang nakasali na lalo na pag nagchampion." Napfacepalm ako at tumayo.

"May extra credits ka naman dito Mr. Enriquez so don't worry." tinignan ko siya ng seriously?-I-dont-give-a-damn-to-that-extra-credits-look. Tumayo si miss. This time sobrang seryoso na ng itsura niya.

"Don't look at me like that Mr. Enriquez. You'll do it or else.." I don't know pero parang bigla akong kinabahan. knowing Ms.Torres, she'll do whatever she'd say.

"Gagawin ko ang lahat para hindi ka makatakbo bilang Valedictorian. Tandaan mo Mr. Enriquez May pinangangalagaan kang spot." And that made me stood up.

"What? you can't do that! That's unfair!" medyo tumaas nadin ang tono ng boses ko. putspa. Hindi pwede mangyari yun. 3 consecutive years akong 1st sa buong Initials University. Hindi ako papayag!

"Yea, it is. but don't try me Mr. Enriquez. You'll regret it. I swear" She then smirked. Fvck. Huminga ako ng malalim.

"Fine!" After saying that word eh umalis na ako para puntahan si Pabebeng alyana.

*END OF FLASHBACK*

Now you know? Saya diba?!

A/N: OMG I passed the Collective Arts of Students and Thespians ng University namin. Im one of the candidates so I need to focus to my Workshop plus I need to study well for me to pass the K12 College exam. Para after graduating K12 e pwede na akong mag 2nd year college :) Pero maglalaan padin ako ng time sa pagsusulat ng story na'to. Just keep reading and please I want you guys to make a comment. bad or good I'll accept. pero wag naman po masyadong bad ha? :* Loveyou guys.

True Love (TL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon