Chapter 12 (TL)

21 0 1
                                        

L.A's POV

"Let's talk to Ms. Torres." Yan agad bungad sakin ni Brian ng makaupo ako sa usual seat ko. which is sa tabi niya.

"Why?" Cold kong sabi.

"Para sabihin na sa iba nalang niya ibigay yang declamation piece." Walang gana niyan sabi at umupo sa desk. Tinaasan ko siya ng kilay.

"At bakit natin gagawin yun?" Tinignan niya ako ng nagmamaang-maangan-ka-pa-look. Magtatanong ba ako kung alam ko? esiraulo pala to e. -_____-

"Kasi Hindi na natin parehas kaya. Hindi mo kaya magdeclaim and hindi na kita kayang turuan. simple as that!" Mahina pero alam mong naiinis na siya. Hayy. bakit ba kasi napaka straight forward ng lalaking to?

Silence

Napaisip ako sa sinabi niya. Mukang seryoso talaga siya. Napaka impatient talaga ng lalaking to! nakakainis! Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"I can't." Nakayuko kong sabi.

Napatayo siya at hinawakan ang dalawang desk para tignan ang muka ko. Lalo ko pang iniyuko ang ulo ko.

"At bakit hindi?! Look. pareho lang tayong mapapahiya pag tinuloy mo pa itong contest. Naiintindihan mo ba ako? ha?!" Yung tono ng boses niya, nakakatakot. Hindi ko siya sinagot at nanatiling tikom ang bibig.

Bumalik siya sa upuan niya at umupo ng maayos. Narinig ko siyang nagbuntong hininga. Ramdam ko din na nakatingin siya sa akin.

"Wag na nating pahirapan mga sarili natin. alam kong alam mo na hindi mo kaya yang pinapagawa sayo. Ang hindi ko lang maintindihan e kung bat mo ito tinanggap." Napatingin ako sakanya dahil sa nagiba ang tono ng boses niya. naging mahinahon ito. Doon ko lang din napansin na sa iba na siya naktingin. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang mga salitang sunod niyang binitawan.

"Let's not bother each other anymore. Kausapin na natin si Miss at sabihin na hindi mo kaya." Tinignan niya ako sa mata. "Please"

Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng guilt. Sa totoo lang gusto ko naman na din ibigay sa iba ito. pero paano? Alam ko naman na ang sasabihin ni Miss. paano ko sasabihin kay brian na may kasunduan kami ni Miss? Na hindi na ako pwedeng magback out? Huminga ako ng malalim.

"Sorry, But I told you I can't" Kinuha ko ang gamit ko para sana lumabas na ng classroom, pero hinawakan niya ang kamay ko bago pa man ako humakbang. Nilingon ko siya at tinignan sa mata. Nagiba nanaman ang reaksyon niya pero this time hindi kona maintindihan kung ano ito. kung galit ba siya oh ano.

"Bakit hindi? Pwede ba, kung nagpapanggap ka na kaya mo eh please lang tama na, Wag ka nang magmagaling. Itatak mo jan sa kokote mo na hindi ka mananalo jan sa contest nayan. Parehas lang tayong nagaaksaya ng panahon. Kaya ibigay mona sa iba yan---" Hinila ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Tinignan ko siya ng masama.

"Ikaw ang huwag mag magaling Brian, dahil hindi mo alam kung anong pinagusapan namin ni Miss Torres. Kung ayaw mo? Edi wag! Hindi ko naman sinabi na pagaksayahan mo ako ng panahon para turuan. Oo, alam ko na napaka liit ng chance na manalo ako, Eh ano ngayon? as long as hindi ako nandadaya at walang inaapakan na tao, bakit hindi? may masama ba sa pagkatalo? Kaya kong tanggapin na matalo ako. At para sabihin ko sayo, hindi ako mapagpanggap na tao. Nung una palang sinabi kona kay Miss na hindi ako nagdedeclaim, but she insisted it, kaya mo daw akong tulungan kaya okay lang." Naramdaman ko ang mga luhang kanina pa pala pumapatak. kinuha kona ang gamit ko at tumalikod. pero bago ako humakbang e iniwanan ko muna siya ng mga katagang alam kong matagal na niyang gustong marinig.

"Go tell miss na hindi mo na ako tuturuan. Sa iba nalang ako magpapaturo, Sorry kung pati ikaw nadamay." Tumakbo na ako palabas.

Hindi ko alam pero feeling ko, ang sakit sakit ng dibdib ko. Umupo ako sa bench na nakita ko at pinunasan ang luhang kanina pa pumapatak. Ang samasama niya talaga. Siguro nga hindi na siya magbabago. I admit, At first naniwala ako na kahit papano e pwede kaming maging magkaibigan. pero nagkamali pala ako.

to be continued..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

True Love (TL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon