Chapter 3

11.5K 311 17
                                    

"You're so. . . fckng. . . precious. . . when you. . .smile."

"Really?!" Over-reacting na sabi ni Michelle. Nagtinginan naman ang ibang mga estudyante saamin kaya agad kong tinakpan ang bibig niya. Nasa canteen kasi kami ngayon dahil lunch break namin at kasalukuyan kong kinikwento sakan'ya ang about kay Shane.

"Hinaan mo nga boses mo. Tatahiin ko 'yan." Mahina pero may diin na sabi ko. Tinanggal naman niya ang kamay ko sa bibig niya at mas nilapit ang mukha saakin. Nasa tapat ko kasi siya na upuan. Tinulak ko nga siya ng bahagya.

"Ang pinagtataka ko lang kasi, she never admitted to anyone. . .that you know, hmm. . .she's a lesbian." Bulong nito. Tinaasan ko naman siya ng kilay at tahimik lang na nakinig sakan'ya. "Saka lagi niyang sinasabi sa lahat na straight siya, though maraming nakakapansin na mahilig siyang makipag-flirt sa mga babae. Kaya din siguro maraming mga babaeng nagkakagusto sakan'ya kahit nga may mga jowa na e. And I think 'yan ang isa sa mga dahilan kaya lagi siyang napapa-trouble." Dagdag nito.

Napasandal naman ako sa upuan ko at napa-cross arm. Etong senior high lang ako naging disciplinary president at ngayon ko lang din mas nakilala si Shane bukod sa classmate ko din siya ngayon. Schoolmate ko lang siya no'ng junior high namin at madami rin akong naririnig na hindi maganda tungkol sakan'ya.

"Pero sa kwento mo, sinabi niya pa sayo na papatunayan niya na lesbian siya. . .sa pamamagitan ng kiss?" Hinawakan naman ni Michelle ang bibig niya habang nanlalaki ang mata. Napairap nalang ako sakan'ya. "Hindi kaya gusto ka niya?" Dugtong nito na nakapag-patawa saakin. Pwede na siyang joker.

"Sinabi niya nga saakin na hindi niya ako type. Sira ka ba?" Natatawang sabi ko. Napakunot-noo naman ito habang titig na titig saakin na parang may iniisip.

"Still, inamin niya pa rin sayo na lesbian siya." Sabi nito sabay sandal sa upuan niya.

"Bakit ba natin pinag-uusapan ang sexuality niya?" Tanong ko at nagpangalumbaba na lang sa mesa. "Mas nagfocus ka talaga sakan'ya kesa sa hinihingi kong tulong sayo." Dagdag ko na may tono ng pagtatampo.

Kwenento ko din kasi sakan'ya na nag-offer saakin ang director ng school—no'ng araw kung saan hinila din niya ako sa bar—ng scholarship. Humihingi ako ng tulong sakan'ya kung may alam siya sa background ni Shane. Kasi pwede kong gamiting guide 'yun kung paano ko siya mapapatino. Sayang din ang scholarship na 'yun at allowances, kasi ako lang din naman ang inaasahan ng mga magulang ko bukod sa nag-iisa lang din nila akong anak. Saka wala din kasi akong alam kay Jaxlyn Shane Fernandez na 'to e, except sa troublemaker siya at sikat sa paggawa ng mga kalokohan, to the point na lagi din siyang huli sa klase. Actually, pinagtataka ko rin kung bakit in-offer-an talaga ako ng director ng school just to help Shane to graduate. At isa lang ang sa isip ko. . . importanteng tao siya, like heiress or something. Well, it's just my instincts pero hindi naman pwedeng impossible 'di ba?

"Okay okay sorry. Don't worry AC, I'll use all of my sources to make bawi to you sa nangyari din no'ng sa bar." Ngumiti naman ako sakan'ya at nagpasalamat.

Dahil tapos na rin naman kaming kumain, inaya ko na siya na bumalik na ng classroom. Patayo na kami nang may biglang sumigaw mula sa pintuan ng canteen.

"Nasa'n si Jaxlyn Shane Fernandez?!" Sigaw ng kalbong lalaki na may suot na taga-ibang school uniform. Napataas ang kilay ko at nagtataka naman ang mukha ni Michelle. May ilang ding nagbulong-bulungan.

What are they doing here? Paano nakapasok ang mga outsiders na 'to? Puro sila kalalakihan at may isang babae na nakakapit sa lalaking sumigaw na parang pinipigilan niya ito.

Taming Mischievous Princess (GxG) (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon