Chapter 35

6.9K 161 14
                                    

"Don't make any promises when you are happy, and don't make any decision when you are angry."



Hinawakan ko ang kamay ni AC at tinitigan siya sa mata. Nangingilid naman ang luha niyang hindi maka-tingin saakin.

"Iyan ang araw na sinalubong tayo ng kuya ni Beauty para sabihing nawawala ang kapatid niya. . . Iyan ang araw na iniwan mo ako para hanapin siya. . . Pero wala akong reklamo. . . dahil naiintindihan ko, tapos malalaman ko na lang na ganito pala ginawa niyo?" Mahabang sabi niya at bahagya akong tinulak palayo sakan'ya. "Ang lakas naman ng loob mong magpakilala at harapin pa mga magulang ko, pagkatapos ng ginawa mo!" Sigaw niya.

"AC ano ka ba, sinabi ko na sayo ang dahilan 'di ba? Pinalabas lang ni King na nawawala si Beauty para makipag-balikan ako sakan'ya. Wala lang 'yun." Pagtatanggol ko sa sarili ko. I didn't mean that kiss. Beauty was also drunk that time. At lalong wala akong alam kung sino ang kumuha ng lecheng litrato na 'yan, na nahalikan ako ni Beauty.

"Naririnig mo ba ang sarili mo Shane?! Seriously, wala lang 'yon? Edi sana sinabi mo saakin ng mismong araw na rin na 'yun kung ano talaga nangyari, but you didn't." Maiyak-iyak sa inis na sigaw niya pa saakin.

"Akala ko ba hahanapin mo si Beauty?" Tanong ni AC nang nasa labas na kami ng bahay.

"Kaya nga e."

"Anong kaya nga e? Don't tell me hindi niyo pa siya nahanap?" Tinitigan ko lang siya. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sakan'ya.

"Ano hindi ka magsasalita?" Tanong niya ulit dahil hindi ako sumagot. Ngumiti nalang ako sakan'ya.

"Sabi mo kasi 'wag sabihin e."

"Ayan ka na naman sa kalokoha—Shane." Mas mabuti pang hindi ko na lang sabihin. Hinapit ko ang bewang niya papalapit saakin saka niyakap siya nang mahigpit, inihilig ko rin ang baba ko sa balikat niya.

"Can we just stay like this for a minute?" Mahinang usal ko. "H'wag ka nang mag-selos kay Beauty. Kaibigan ko na lang talaga siya." Dagdag na sabi ko. "Ang totoo niyan, hindi naman talaga nawala si Beauty. Gusto lang ni King na makipag-balikan ako sa kapatid niya."

Noong sinabi ni King na nawawala si Beauty, inisip ko na baka nando'n na naman siya kay Rico, pero nagulat ako nang dinala ako ni King sa bar. There, I saw Beauty, drunk and wasted. At nang lumapit ako sakan'ya, at nang makilala niya ako, dala na rin siguro ng kalasingan niya bigla na lang niya akong hinalikan noong pinapatayo ko na siya para i-uwi.

"King? 'Yung lalaking sumalubong saatin kanina?"

"Oo. Pero nang malaman ko 'yun, sinabihan ko na siyang imposible na. Kaya nakahabol ako sa hapunan niyo."

"Baliw."

Pero agad ko rin binawi ang halik na 'yon, at nagpatulong kay King na buhatin at i-uwi na si Beauty. Nang nasa bahay na kami nila King, kinausap niya ako na makipag-balikan ako sa kapatid niya, pero sinabi ko na sakan'yang hindi pwede dahil may mahal na akong iba.

"Hindi ko sinabi kasi wala lang 'yon, AC. It's just an accident kissed. Wala namang nangyari saamin. Saka dahil lang sa litratong 'to nagkakaganito ka na? Sino nagbigay sayo nito? Si Rico ba?" May inis na tono na sabi ko na rin.

Taming Mischievous Princess (GxG) (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon