Chapter 5

8.1K 263 8
                                    

"What is the point of being alive if you don't at least try to do something remarkable?"
— John Green, An Abundance of Katherines


Nakakunot-noo lang akong nakatingin sa text message saakin ni Shane.

"What is the point of being alive if you don't at least try to do something remarkable?"
— John Green, An Abundance of Katherines

Anong na naman kaya ang kalokohang gagawin niya? Kinakabahan na naman ako sa mga pwede niyang gawin. Na'san ba siya ngayon? Buong umaga ko yatang hindi siya nakita. Kakagaling ko lang ksa canteen—kakatapos lang maglunch kasama si Michelle kaso naghiwalay din kami dahil may aasikasuhin siya para sa Foundation day next week. Sakan'ya ko kasi muna inincharge ang event na 'yan dahil namomoblema pa ako kay Shane.

Habang naglalakad-lakad ako sa hallway, napahinto ako nang makita si Mr. Director na papunta din sa way kung nasa'n ako ngayon. Bigla akong nagpanic at hindi ko alam kung saan ako tatago or tatakbo. Hindi naman sa pinagtataguan ko siya pero kasi for sure magtatanong na siya kung may progress na ba ang pinapagawa niya saakin. . .ano isasagot ko? Tatalikod na sana ako kaso huli na para gawin 'yun dahil nakita na niya ako.

"Ms. Ramirez!" Tawag niya saakin. Napapikit nalang ako at dahan-dahang lumingon. Nakangiti siya habang naglalakad na papalapit saakin. Ngumiti rin ako na parang mukhang ngiwi na nga.

"Good afternoon, Mr. Director—I mean Mr. Salcedo."

"I heard that Shane's got a half score in your quiz yesterday." Masayang bungad niya saakin.

Of course sir, ako rin ang nagsagot nun. Hays.

"Sabi ko na nga ba at makakaya mong mapabago si Sh—" Natigilan at bigla kaming nataranta nang biglang tumunog ang fire alarm ng school. "W-What is going on?"

Maraming nang nagpapanic na mga estudyante pati mga faculty staffs ng school. Nagtatakbo sila papunta sa quadrangle.

May sunog ba? Hindi naman tutunog ang alarm kung walang nangyari o 'di kaya—

"Shane." I mumbled.

Magpapaalam sana ako kay Mr. Director kaso paglingon ko sa pwesto niya kanina wala na siya. Napapoker face nalang ako nang makita na siyang nagtatakbo na rin. Napa-iling-iling nalang ako at umalis na. Kailangan kong hanapin si Shane dahil may pakiramdam akong siya na naman ang may kagagawan nito.

"Tabi!"

"Ahhh!"

Sigaw ng mga nakakasalubong kong estudyante. Halos matilapon nga ako sa kakabangga nila saakin. Wala pa ring hinto ang pagtunong ng alarm at halos natataranta na ang mga ibang students. Nagkakaroon na nga ng stampede papunta sa quadrangle.

Napahinto ako nang makita si Shane na tumatawa habang nagtatakbo din. May mga kasama din siyang mga lalaki na tumatawa din. Sinundan ko sila pero naghiwalay din naman agad sila at dumeritso naman si Shane sa Canteen. Medyo nahirapan pa akong makapunta sa canteen dahil may nababangga pa ako.

Pagkapunta ko sa canteen nakita ko si Shane na kumakain. Naningkit agad ang mata ko at lumapit sakan'ya. Binagsak ko ang kamay ko sa mesa dahilan para matapon ang pasubo na sana niyang pagkain. Tiningnan naman niya ako ng masama pero siyempre hindi ako nagpatinag sakan'ya.

Taming Mischievous Princess (GxG) (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon