Chapter 27

4.4K 160 14
                                    

"She's the girl for me, I'll gonna make her mine."


"Ayoko ng raisins." Sabi ko sabay subo sakan'ya ng raisins na nakuha ko sa salad na kinakain namin.

Nasa resto kami ng kuya ni Shane, pero wala dito 'yung kuya niya. Nasa state pa rin daw siya, at siya pa lang ang unang umuwi. Tatlo kami dito sa mesa, dahil talaga ngang sumama si Beauty. Ayaw ko man, wala naman na akong magagawa dahil sumunod na siya. Saka okay lang din naman kay Shane.

Kanina pa kami dito at sobrang sarap ng mga pagkain. Dessert na nga ang kinakain namin at ang sarap sana ng salad nila kaso may raisins.

"Masarap kaya." Si Shane habang kinukuha ang mga raisins sa salad ko.

"Oo nga." Sagot rin ni Beauty sa tapat namin. Magkatabi kasi kami ni Shane at nasa tapat naman namin si Beauty.

"Hindi naman kita tinatanong." Sabi ko sabay hablot ng kutsara kay Shane. May sarili siyang kutsara, akin pa 'yung gagamitin.

"Bawal ba mag-sabi ng opinyon?" Tanong ni Beauty sabay rolled eyes.

Nga-nga-nga na sana ako para sagutin si Beauty nang sinubuan ako ng isang kutsarang raisins ni Shane. But because I really hate it, naibuga ko tuloy kay Beauty lahat, habang si Shane ay humagalpak lang ng tawa.

"Sorry." Sabi ko kay Beauty na parang naging nunal na sa mukha ang naibugang raisins na sinubo saakin ni Shane. Tiningnan ko naman ng masama si Shane at sabay pa namin siyang binatukan ni Beauty pero guess what, tinawanan lang kami.

Buti na lang at nasa dulo kami ng resto naka-upo at wala gaanong nakapansin. Bukod sa dalawang matandang katabi namin na ang sama ng tingin. Nag-sorry na lang ako sakanila at hinila na lang ang dalawa palabas ng resto.

"Puro ka talaga kalokohan Shane." Sabi ko habang inaabutan na lang ng panyo si Beauty. Kawawa naman.

"Wala ka namang virus no?" Tanong ni Beauty. Inirapan ko naman siya sa kaartehan niya.

"Wag kang mag-alala, malinis laway ko." Sagot ko naman.

"Yes. Proven and tested." Biglang sabat ng katabi kong si Shane. Kinunotan ko naman siya ng noo sa sinabi niya, nang naalala ko bigla nang hinalikan niya ako. Siniko ko nga siya.

"Shane!" Namumulang saway ko sakan'ya pero as usual tinawanan niya lang ako at inakbayan.

"Bakit totoo naman ah? Sarap nga e." Natatawang sabi niya ulit. Ramdam na ramdam ko na namang pulang-pula na ang mukha ko sa sinasabi niya. Tinanggal ko nga ang kamay niya sa pag-aakbay at nag-simula nang maglakad palayo. Nakakainis ka Shane!

-'-

"Levin." Tawag ko kay Levin na papasok na sana ng student council.

"Oh, AC." Sabi nito nang lumingon siya saakin. Pinakita na naman niya saakin ang matamis niyang ngiti.

"Itatanong ko lang kung nakita mo ba si Michelle?" Kanina ko pa kasi hinahanap ang babaeng 'yun. Saan kaya nag-su-suot 'yon?

"Nasa canteen siya kanina kasama si Denise ba 'yon? Oo nga si Denise nga, pinakilala pa niya saakin."

"Si Denise?" Tatango-tango kong sabi. Magkakilala rin pala sila? "Thanks Levin." Dagdag ko pa at ngumiti sakan'ya.

Taming Mischievous Princess (GxG) (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon