Chapter 16

5.4K 160 9
                                    

"You're my poison yet you're also my cure."

Ang daming tao. May nagsisigawan dahil nanalo sa hindi ko alam kung anong tawag do'n basta ang alam ko lang nanalo siya. May tumatapon ng piso sa isang malaking parang mesa na may nakasulat na mga prices. May nagpapaputok ng lobo gamit ang dart. May nagpapa-ikot ng roleta at may nagsisigawan dahil sa mga medyo nakakatakot na rides.

Gabi ngayon at sa pagkakaalam ko dapat nasa bahay ako. I should be holding my reviewer since after this sembreak is already our final exam. But I am here, standing at the crowd while they are busy enjoying their self here in peryahan.

Yes, ang bilis ng araw at sembreak na namin and yes again, nasa peryahan ako. Kinaladkad na naman kasi ako dito ni Michelle. Ako naman itong hindi matiis ang kakulitan niya at napasama naman ako. Hindi naman kasi gaano malayo ito saamin kaya napa-oo na lang ako.

"Gusto mo muna sumakay ng rides or maglaro muna tayo?" Halata sa tono niya ang pagka-excite kaya napa-ikot ko na lang ang mata ko.

"Ikaw bahala." Wala sa mood na sagot ko naman sakan'ya. Now it's her turn to roll her eyes.

"Pwede ba AC kahit ngayon lang gabi, mag-enjoy ka naman. Mahaba pa sembreak natin oh. Pause ka muna saglit sa acads at kay Shane—ops. Bad mouth." Napatakip siya ng bibig at nanlalaki ang mata niyang nakatingin saakin. Tinaasan ko siya ng kilay and just give her my resting btch face kaya niyakap nalang niya ako. "Waaaah. Sorry best, 'di ko naman sinasadya na banggitin ang pangalan ni Shane na ni-reject ka—ops. Bad mouth again." Tinulak ko nga siya at nagsimula nang maglakad papalayo sakan'ya. Agad naman siyang sumunod saakin habang panay sorry.

Hindi ko na lang siya inimik at napa-buntong-hininga na lang. Naalala ko na lang ang araw na lakas loob akong umamin sakan'ya.

Nakakahiya and at the same time medyo masakit.

I smiled bitterly at huminto sa harap ng ferris wheel. Agad namang pumunta sa harap ko si Michelle.

"Gusto mong sumakay diyan? Tara!" Sabi niya sabay hila saakin at bili ng ticket.

Ilang sandali lang ay nakasakay na kami sa cabin nito at dahan-dahang umikot. Tahimik lang ako habang tinitingnan ang mga tao sa baba na unti-unting lumiliit sa paningin ko. Si Michelle naman ay parang may bulate sa pwet dahil hindi na niya malaman kung anong gagawin niya. Selfie. Tingin sa baba. Sigaw ang gawa niya. Napa-iling-iling na lang ako sakan'ya.

Nasa pinakatutok na kami nang bigla itong huminto. Napahawak naman si Michelle sa tuhod ko dahil nasa harap ko lang naman siya na parang nagulat sa paghinto. Sabay kaming napatingin sa baba at nakita namin ang babaeng pilit kong inaalis sa isip ko. May kasama siya at kasalukuyan din silang sumakay ngayon sa cabin or what-so-ever do you call that. Sabay ulit kaming napaiwas ng tingin ni Michelle.

"Oh." Tinitigan ako ni Michelle. Alam kong pinapakiramdaman niya ako. I know also that she is trying her best just to ease the pain and cheer me up.

Alam lahat ni Michelle. Of course kwinento ko ang nakakahiya at nakakapangsising confession, hanggang sa mga araw na sobrang awkward na namin sa isa't-isa ni Shane. Kwenento ko.

Naalala ko no'ng nirereview ko siya sa library, hindi ko alam kung naging matalino ba siya bigla dahil habang tinuturuan ko siya, mabilis niya agad na-gegets unlike before, kaya mabilis din natatapos ang tutor ko sakan'ya at ang pagsasama namin. Sinubukan kong kausapin siya na bumalik na lang kami sa dati na walang awkwardness sa isa't-isa, pero isa lang ang sinagot niya. . .

Taming Mischievous Princess (GxG) (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon