Chapter 31

4.1K 135 8
                                    

"I'm happier when you're around."

Nasa banyo kami ngayon dahil pinalinis na lang ni Mr. Director sila Shane at 'yung babae. Last offense na rin ni Shane ito at once na gumawa pa siya ng gulo, tuluyan na siyang hindi makaka-graduate at hindi ko na makukuha ang scholarship na hinahangad ko.

Nandito rin ako ngayon para bantayan sila. Hindi naman nagalit saakin si sir dahil naiintindihan naman niya na may mga pangyayari talaga na hindi ko rin kayang ma-handle. Kaso medyo na-disappoint daw siya saakin.

Pinalabas na ni Sir sila Shane at 'yung babae pero pina-stay muna niya ako para maka-usap. Kinakabahan tuloy ako.

"Miss Ramirez." Bigkas niya sa apelyedo ko. Napatingin naman agad ako sakan'ya. He just gave me a small smile. "I can see the progress na unti-unti mong nababago si Shane. Wala rin naman akong problema kung nagkaka-gustuhan kayo. But I hope, hindi maka-apekto ito sa pagtulong mo kay Shane maka-graduate. Malaki ang inaambag ng mga magulang niya sa school na ito, and it will really our downfall if they will stop investing to us. Kaya ikaw lang ang inaasahan ko Miss Ramirez. Pinapangako ko sayo ang scholarship and allowances mo sa college. Just few more months to go, hope to see you in stage with Shane." Mahabang lintanya niya.

Ngumiti na lang ako sakan'ya at tumango.

"Gash! I'm so tired!" Pagrereklamo nung sophomore na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala. Bigla namang tinumba ni Shane ang maliit na balde na may lamang tubig saka sabon. Napunta ito sa babae kaya lalong itong nagtitili. "Ano ba!"

"Ang arte mo. Mukha ka namang inidoro." Napakagat labi ako sa sinabi ni Shane para pigilan ang pagtawa ko. Namula naman agad sa inis si sophomore.

"What did you say?!" Akma sana siyang lalakad papalapit kay Shane nang bigla siyang nadulas doon sa tinapon na tubig na may sabon. "Shit! Argh!"

"Karma is a bitch." Usal ni Shane at tinuloy na ang pagkuskos doon sa lababo.

"May araw ka rin saakin." Nanlilisik ang mata na sabi ni sophomore.

"Kahit isama mo pa ang buwan, hindi ako natatakot." Supalpal na naman ni Shane. Napa-iling na lang ako sa dalawa at naisipang lumabas muna ng CR.

Bumuntong-hininga ako habang tinitingnan ang mga estudyanteng naglalakad. Dismissal na rin kasi e. Napatingin ako sa relo ko. Siguro tama na rin ang paglilinis nila. Kanina pa sila doon e. Hindi kasi sila matapos-tapos dahil minu-minuto nag-aaway.

Pumasok ulit ako ng CR at napa-pikit na naman sa inis dahil naabutan kong tinututok nila sa isa't isa ang hawak nilang brush na may handle. Animo'y nag-eespadahan.

"Tama na nga 'yan." Sigaw ko sakanila. Napatingin naman sila saakin at agad naman akong inirapan ni sophomore.

"Ikaw naman talaga kasi may kasalanan nito e. Bwisit." Bulong-bulong nito at dali-dali nang lumabas ng banyo. Akma pa nga sana niya akong ihahampas ng hawak niyang brush nang binato agad siya ni Shane ng brush din nito.

"I can't believe na kahit sophomore lang siya, may ugali na." Sabi ko na lang. Lumapit naman si Shane saakin pero may distansya pa rin dahil nga pawisan saka basa siya.

"Sophomore nga siya, pero ka-edad lang natin 'yun." Sabi nito habang inaayos ang sarili niya.

"What do you mean?"

"Ilang beses na 'yan nagbalik ng sophomore. Palibhasa hindi maka-graduate kaya naiinggit saakin." Natatawa niyang sabi.

"Kilala mo siya?"

"Oo pinsan 'yun ng kaaway ni King." Kinunotan ko lang siya ng noo kaya bumuntong-hininga na lang siya na tumingin saakin. "Wala."

"Okay whatever, tara na. Magbihis ka. Sayang ng dress mo ngayon, pinaglinis ka lang." Natatawa kong sabi. Inirapan niya lang ako tapos biglang lumapit ng sobrang malapit saakin. "T-Teka 'wag kang didikit saa—" Natigilan ako ng maramdaman ko ang labi niya sa noo ko. Para nakuryenge bigla buong katawan ko.

"Humigi lang ako ng energy. Napagod ako sa kakalinis e." Sabi nito sabay labas na niya ng banyo. Naiwan naman akong parang timang sa loob. Nakikiliti ang tiyan ko. Shet. "Halika na babe. Bihis na bihis na ako." Sigaw niya na nakapag-pabalik saakin sa sarili. Kahit kelan ka talaga Shane!

-'-

Days passed at talagang hindi ko na inaalis sa paningin ko si Shane. Natatakot ako na baka hindi na naman niya mapigilan ang temper niya at makikita ko na naman siyang nakikipag-away. Sinusubukan ko na nga lang hindi pansinin ang mga masasakit na salita na naririnig ko, dahil alam kong mas kilala ko ang sarili ko. Lagi ko ring pinapakalma si Shane sa tuwing naririnig niya rin ang mga masasamang sinasabi ng ilan tungkol saamin. Ewan ko ba kung bakit may mga taong pinagkaka-abalahan ang iba kesa sa sariling buhay nila.

Tinuon na lang namin ni Shane ang atensyon sa darating na midterm exam. Sinasabi ko na nga ba at matalino talaga siya, tamad nga lang. Siguro kaya tagapag-mana rin siya ng kompanya nila dahil alam ng magulang niyang may kakayahan si Shane kahit ganito siya.

"Matutunaw na ako babe." Salita nito na nakapagpa-balik saakin sa sarili. Napatitig rin pala ako sakan'ya. Nasa library kami ngayon at kasalukuyang may pinapasagutan ako sakan'ya.

"T-Tapos ka na?" Tanong ko na lang habang inaayos ang mga notebook at papel na naka-kalat na sa mesa.

"Almost. Wait. Paano kapag nasagot ko 'to ng tama?" Sabi nito sabay tingin saakin.

"Edi congrats?" Patanong na sagot ko rin sakan'ya. Inirapan naman niya ako at tinuloy ang pagsusulat niya.

"Dapat may kiss ako." Narinig kong bulong niya.

"Bubulong-bulong ka pa diyan, rinig naman." Sabay irap ko.

"Talagang pinapa-rinig ko. Damot mo kasi. Kiss lang naman. Tss."

"Bilisan mo na lang diyan." Iiling-iling na sabi ko habang hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Naka-nguso naman siyang tinuloy na lang ang pagsagot.

Grabe, kahit simpleng bagay lang basta tungkol Shane, sobrang saya na ng pakiramdam ko. Kahit nga makita ko lang siya, makita ko lang ang ngiti sa labi niya, nagpapa-bilis na ng tibok ng puso ko. Iba talaga ang epekto niya saakin. Paano niya kaya ako nabaliko?

Hay Shane, why am I so inlove with you?

Wait, did I say love? Mahal ko na ba talaga si Shane? Is this really what you mean Love?

Napatitig ulit ako kay Shane, na para bang kinakabisado ang bawat parte ng mukha niya.

If this feeling is really called love, then.  . .

"Shane?"

"Hmm?"

"Okay lang bang. . . mahalin ka?" Natigilan siya sa pagsusulat at agad napatingin saakin. Sinalubong ako ng berde niyang mata. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya pero alam kong nagulat siya.

Pahamak din talaga ang bibig kong walang preno. Nakakainis.

Taming Mischievous Princess (GxG) (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon