Chapter 7

7.9K 269 22
                                    

"I'm lost whenever I look into your eyes."

"Ang sakit ng likod ko." Sabi ko pagkababa ng pinamali naming mga gamit para sa foundation day. Photo booth kasi ang pinili naming mga Students Council. Tinawanan lang nila ako kaya inirapan ko nalang sila. "Teka C.R lang ako." Sabi ko at lumabas na muna ako ng headquarters.

Nang makalabas ako, nakabunggo ko pa si Levin.

"Sorry, Ms. Pres." Malambing na sabi nito. Binigyan pa niya ako ng matamis na ngiti na ikinailang ko.

Ehh kese nemen eng cute cute niya. Naiihi tuloy lalo ako.

"O-Okay lang." Sagot ko naman sakan'ya na medyo namumula pa nga ang mukha ko.

"Sa'n ka pupunta?" Tanong niya. Napa-ekis ko nalang ang paa ko dahil ihing-ihing na ako.

"Sa C.R, t-teka lang." Sagot ko at dali-dali akong umalis. Ngumiti naman siya saakin ng pilit at hinatid pa ako nang tingin papasok ng C.R. Buti nalang talaga at dalawang room lang ang pagitan ng layo ng C.R mula sa headquarters ng Student Council.

Pagkapasok ko, agad kong binuksan ang unang cubicle dahil feeling ko puputok na talaga pantog ko. Kaso no'ng binuksan ko na. . .

"Ahhhhhhh!! Uso naman kasi mag-lock!" Sigaw ko habang nilalagay ang mga kamay ko sa mga mata para takpan ito. Paano ba naman, pagkabukas ko nang cubicle bumungad saakin ang naglalaking mata ni Shane na nakaupo sa inidoro habang may binabasa pang dyaryo. Like seriously?!

Dali-dali naman niya ulit sinarado ang pinto at sumigaw rin. "Uso rin kasi kumatok!"

Napairap nalang ako at pumasok nalang sa pangalawang cubicle. Tumirik pa ang mata ko sa sobrang sarap dahil parang gumaan ang pakiramdam ko nang maubos na lahat ng ihi sa urinary bladder ko. Nabwisit nga ako dahil may kunting patak sa panty ko dahil sa pagsigaw at gulat ko kanina.

Lumabas na ako ng cubicle at halos mapatalon ako nang makita si Shane na nakasandal sa lababo na naka-cross arm pa saakin at tinititigan ako ng masama.

"Anak ka naman ng kabayo!!!" Bulalas ko. Kanina pa ako ginugulat ng dimwit na 'to ah! "What is your problem, dimwit?! Papatayin mo ba talaga ako lagi sa gulat?!" Tanong ko sakan'ya habang sinusuklian ko din siya ng titig na masama.

Bumuntong-hininga siya at umayos nang tayo. "M-May nakita ka ba?" Namumulang tanong niya sabay iwas ng tingin. Napakunot-noo naman ako sakan'ya at napa-kagat-labi para pigilan ang tawa nang ma-realize ko ang tanong niya.

Pero dahil ang cute-cute niya sa pamumula ng mukha niya, aasarin ko muna siya.

"Pinagsasabi mo?" Inosente kong tanong. Binalik niya ang tingin saakin at mas lalo ko tuloy nahalata ang pamumula niya. Infairness, ang cute niya ha.

"Kanina. . .'yung k-kanina kasi." Medyo naiilang na niyang tanong. Wala na. . .'di ko na talaga kayang pigilan pa.

"Haha! Ang cute mo!" Sabi ko habang tatawa at lapit sakan'ya sabay hawak sa pisnge niya saka kinurot ito. Agad naman niya itong tinapik at parang nandidiri pa ang mukha.

"H'wag mo nga 'kong hawakan. 'Di ka pa nga naghuhugas ng kamay e."

Inirapan ko lang siya at lumapit na ako sa lababo para mag-hugas ng kamay.

Taming Mischievous Princess (GxG) (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon