Chapter 20

5.6K 178 14
                                    

"You will be mine, even if you're somebody else's. Girl not for long."

Mabilis lang lumipas ang exam week. Ngayong araw ay mag-aannounce na ng mga scores. Nasa classroom ako ngayon, naka-upo sa pwesto ko habang naka-patong pa ang mga paa ko sa armchair. Wala pa kasi ang prof kaya naboboring na ako. Saka isa pa, hindi ako pinapansin ni AC.

Nagbabasa lang siya ng libro at kanina pa tahimik simula pag-pasok niya. Hindi nga manlang niya ako tiningnan o sumilip man lang saakin. Ilang araw na siyang gan'yan saakin na hindi ako pinapansin. Kinakausap niya naman ako pero tig-isang salita lang.

I know she feel uneasy and awkward between us. Naiintindihan ko naman 'yun, pero siya na ang may sabi saakin noon na kalimutan ko na lang ang pag-amin niya at bumalik na lang kami sa dati. Pero ngayon, kung saan gusto ko nang bumalik kami sa dati doon naman siya umiiwas saakin.

Hindi ko talaga kayang ganito kami. Naalala ko na lang ang mga araw na iniiwasan ko siya no'n. I feel so guilty for doing that, it's just that I was surprise in her sudden confession. Si AC lang ang babaeng ayokong masaktan, kaya medyo nilayo ko muna ang sarili ko sakan'ya. Pero ang totoo niyan ay hindi lang naman 'yon ang dahilan. Blinackmail ako ni King, nang malaman niyang nakipag-hiwalay ako kay Beauty. Yes, I really broke up with Beauty since I saw the concern of AC's eyes. Noong araw na nakita niya ako kasama sila King at Beauty sa bakanteng lote sa gilid ng school. Nasaktan ako nang makita ko ang mga tingin niya na 'yon, idagdag pa na kasama niya si Levin.

Hanggang ngayon gulong-gulo pa rin ako sa nararamdaman ko. Natatakot ako. Hindi ko alam kung bakit. Basta ang gusto ko lang ngayon ay laging mapasaya si AC. Gusto ko laging makita ang mga ngiti niya, lalo na kung ako ang dahilan nito.

Nabalik ako sa sarili ko nang biglang tumingin sa direksyon ko si AC. Sa ilalim pala ng upuan ko to be exact. Napansin niya sigurong napa-titig ako sakan'ya kaya pasimple rin siyang tumingin sa direksyon ko.

Ngumisi ako at kinuha ang bag kong nakasabit sa likod ng upuan ng kaklase ko na nasa harap ko. Kumuha ako ng isang pirasong papel. Ngayon ko lang nabawasan ang 1 whole pad na 'to simula nang binili ko sa school supplies. Kahit mga notebook na binili ko ay wala pang mga sulat. Wala nga yata talaga akong kwentang estudyante.

Natawa na lang ako sa sarili ko habang pinupunit ng maliit ang papel na kinuha ko. I crampled it and looked at AC's serious face while she's still reading her book. Maya-maya lang binato ko sakan'ya ang maliit na papel na pinunit at nilukot ko. Sakto itong tumama sa pisnge niya kaya agad kong iniwas ang tingin ko at nag-kunyareng may hinahanap sa may pintuan ng classroom. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na napapikit si AC at bumuntong-hininga na halatang sinusubukang pakalmahin ang sarili niya.

She's so cute! Let me try it again.

Babatuhin ko ulit sana siya nang bigla siyang lumingon at tiningnan ako ng masama. Naibaba ko tuloy ang kamay ko at pasimpleng tinago ang hawak kong maliit na papel.

"Wala ka na naman bang magawa?" Mataray na tanong niya. I just give her an innocent look.

"What?" Inirapan niya lang ulit ako at binalik ang atensyon niya sa pagbabasa.

Sa dinami-daming nagkaka-gusto saakin, siya lang ang may kayang tarayan ako. 'Yung iba kinikilig na kapag tinitingnan ko pa lang at pinapansin e.

Napaayos ako ng upo nang bigla na lang may nag-vibrate sa bulsa ko. It's obviously my phone. Kinuha ko 'to at binasa kung sino ang nag-text.

Taming Mischievous Princess (GxG) (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon