Chapter 21

5.1K 159 9
                                    

"When you love someone, choose them always."


Angel Cynth's POV


Nag-aayos ako ng sarili ko dito sa classroom dahil dismissal na namin. Habang nag-aayos ako, panay tingin saakin ang katabi kong si Shane. Hindi ko siya pinapansin at tuloy lang sa pag-aayos. Hinihintay na ako kanina pa ni Levin sa labas kaya kailangan ko nang bilisan. Hindi naman sa nagpapaganda ako kay Levin, binabagalan ko lang talaga ang galaw ko para maunang lumabas si Shane.

Nitong mga nakaraang araw, nilalayo ko na ang sarili ko sakan'ya. Ayoko nang maghabol sa taong ayaw naman ako. Kaso, ako na nga itong umiiwas, siya naman ang lumalapit.

"Pres!" Narinig kong tawag niya. Hindi ako lumingon at nilagay ko na lang ang mga gamit ko sa bag ko. "Daga!"

Wala sa sarili akong napa-akyat sa upuan dahil sa sinigaw niya. Ipakita niyo na lahat saakin ang mga nakakatakot at mababangis na hayop h'wag lang ang daga!

"Asan? Asan!?"

"Joke lang. Panyo mo lang pala." Sabi niya habang pigil ang tawang lumabas na ng classroom.

My jaw dropped and look under my chair. Nakita ko nga dun ang kulay gray kong panyo.

"SHANE!" Sigaw ko na lang sa inis.

Bumaba na ako ng upuan at bumuga na lang ng hangin. Pinulot ko na lang ang panyo at nakagat na lang ang ibabang labi ko para pigilan ang inis ko. Kinalma ko na lang ang sarili ko saka sinabit na ang bag sa balikat ko.

Leche ka talaga Shane. May araw ka sa'kin.

Isip-isip ko habang nagla-lakad na papalabas ng classroom. Nang nasa labas na ako nakita ko kaagad si Levin. Inikot ko rin ang paningin ko at nakita ko pang naglalakad na si Shane sa hindi kalayuan. Siga pa maglakad na animo'y hindi babae, ang backpack niya ay hawak niya sa kamay niya. Malamang magaan lang 'yun dahil wala namang laman.

"Sa'n tayo?" Narinig kong tanong ni Levin. Tumingin ako sakan'ya at ngumiti.

"Sundan natin si Shane." Hindi ko alam kung bakit ito ang pumasok na ideya sa isip ko. Wala lang gusto ko lang malaman kung sa'n siya pupunta. Sure naman ako na hindi pa 'yan uuwi.

"Akala ko ba kakain tayo?" Tanong ni Levin.

"Mamaya. Pagkatapos. Tara." Sabi ko sabay hila kay Levin. Napabuntong-hininga na lang siya at napilitang sumama.

Sinundan na nga namin si Shane. Naglakad lang siya kaya hindi naman kami nahirapan na sundan siya.

"Gan'yan ka ba talaga kabaliw sakan'ya kaya gusto mo pa malaman kung sa'n siya pupunta?" Tanong naman ng katabi ko.

Ilang metro ang layo namin kay Shane kaya hindi naman kami maririnig. Saka isa pa dahil uwian, madami rin ang mga naglalakad na mga estudyante.

"H-Hindi ah." Nauutal na sagot ko. Napa-isip naman ako sa tanong niya. Gusto ko lang naman malaman kung sa'n siya pupunta e. Masama ba?

Hindi ko rin ipagkakaila na proud ako sakan'ya dahil lahat ng subject ay napasa niya. Masaya ako para sakan'ya pero siyempre mas masaya ako dahil may tendency na mukha ko na talaga ang scholarship.

"Hindi nga. Hindi halata." Narinig ko pang bulong ni Levin.

Huminto ako at hinirap siya. Napahinto rin siya at tinitigan ako.

Taming Mischievous Princess (GxG) (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon