» 15 «

99 5 7
                                    

-Seokmin-

Paano ba mag-ayos?

Date na namin ni Jisoo. Yung sinabi niya na, babawi siya. Seryosong bumabawi siya. Mahal niya talaga ako.

Akala ko, ako lang ang nagmamahal sa kanya.

Akala ko pinaglalaruan niya lang ako.

Akala ko isa lang akong bet.

Ganito ba talaga ang maiisip mo kapag masyado ka nang kinain ng Wattpad.

Yung kababasa mo ng cliché books. Haist, si Seungkwan kasi nagpakilala sakin nung mga non. Yung The Bet, The 4 Bad Boys and Me, at iba pa. Ah, basta nakain na ako ng mga yun. Pero na-bobored na ako, kasi naka sampu na akong basa sa mga libro na yung concept ay The Bad Boy meets Nerd. Tapos si girl o si nerd, magbabago at gaganda. Tapos si boy o bad boy, magbabago o kaya sasabihin na gusto na siya simula nung nerd pa siya. Hala siya.

Ah basta! Basta iba samin ni Jisoo, nagkakilala kami sa simbahan. Taray namin ano. Tapos dinaldal ko at naging close kami. Tapos naging magkaibigan, nagtetext kami na parang magjowa. Crush ko na siya noon eh, pero simula yun noon nung nagchachat. Kasi ang kulit niya eh. Tapos ayun noong nalaman namin na nasa iisang school lang kami, doon na siya nagsimulang manligaw sakin. Ang cute diba, kagaya ko at hindi si author ( :< ).

Ngayon magdadate kami ni Jisoo, naka ilang sabi na ba ako? Teka na-eexcite ako. Shems, makikita ko na naman siya. Taena nababakla na naman ako. Ano ba pwedeng suotin sa date? Dapat medyo maporma naman ako, kasi laging simpleng damit lang ako habang siya napaka-porma siya. Ay para tuloy kaming magkatropa.

Haist, ayoko noon. Gusto ko ipakita sa lahat na bakla po ako, di joke lang yun. Baka mahusgahan kami. Kahit minsan PDA kami, alam niyo ba yun? Hindi. P means Pangitlang, D means Dapatsi, A means Author. Hindi seryoso. Alam niyo naman yung PDA eh. Kapag hindi mo alam yun, single ka.

"Anak, andyan na boyfriend mo," tawag ni eomma.

Ingay ni eomma at ang daldal ko. Hindi pa ako tapos mamili. Cute ko kasi eh. Ay teka nakabihis na pala ako. Dinaldal niyo kasi ako readers eh, papangit niyo. Haist, iba talaga kapag kyut ka.

Biglang pumasok si Eomma.

"Nak, tagal mo naman magbihis, babae ka ba? Alam ko lalaki ka eh, lalaking bumaluktot," pangangasar ni eomma.

"Eomma naman eh, oh sige na po. Aalis na po ako," pamamaalam ko.

"Ingat ka anak."

Tinanguan ko nalang si eomma at bumaba para puntahan si Jisoo.

"Tagal mo ah," sabi niya ng kunwaring nagagalit.

"Kasi cute ako," sabi ko.

"Alam naman natin yun Seoks," ngiti ni Jisoo.

"Love you talaga."

"Love you too Seokmin."

Pinapakilig niya na naman ako. Puso kalma, limang buwan ka na niya pinapakilig. Kalma ka na ha, ha.

Naglakad na kami sa café kung saan kami madalas tumambay ni Jisoo. So malamang pumasok at umupo kami sa upuan.

"Ano gusto mo?" tanong niya.

"Same order as always," sabi ko.

So tumayo siya at bumili ng dessert at ng kape namin. Since mahaba yung pila, di naman sobra, yung sakto lang. So tumingin tingin ako sa labas. Wala ang cute tignan nung mga tao eh. Mas lalo na yung mga couples.

"Oh my god!" sabi ng babae.

So napatingin ako sa direction nung boses. Nakita ko na si Jisoo pala ang natapunan. Hindi nagalit si Jisoo, nginitian niya. Tapos itong ahas na ito. Sumunod pa sa kanya nung umupo si Jisoo sa harapan ko.

"Uy sorry talaga," sabi ng babae.

Pilit na pinupunasan yung puting damit nito.

"Okay lang ako," ngiti ni Jiso.

Teka kumukulo dugo ko ah. Itong si babae, umupo pa sa tabi ni Jisoo.

"You're Jisoo right?" tanong niya.

Aba pota, lalandiin niya na.

"Yeah, why?" sagot ni Jisoo.

Hindi ba obvious Jisoo, lalandiin ka niya.

"I have to tell you something," sabi niya ng medyo seductive way.

Ayoko na, aalis nalang ako. Tangina nakakainis.

Tumayo ako sa inuupuan ko at umalis. Hindi ko na matiis. Bakit ngayon pa siya lalande? Pwede naman next time diba?

"Seokmin!" he called my name but I just ignore it.

I don't want to talk to you Jisoo.

Please leave me alone.

I am really disappointed in you. . . . .







—•—•—•—•—
Ininis mo kasi si author kaya gumanti.

So huwag niyong iinisin si author ah,

Kung ayaw niyo may mangyare :>

04/19/18

H O W » seoksoo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon