» 28 «

80 4 1
                                    

-Seokmin's-

"Seungkwan! Wag mong kainin yung mga prutas."

"TANGINA HYUNG WALA PA AKONG KAIN. BIGLA BIGLA NIYO NALANG AKO PINUNTAHAN SA BAHAY AT PUMASOK SA KWARTO HAYUP KAYO!"

"Usapan kasi natin ganitong oras tayo magkikita."

"Atsaka sabi din namin sayo na bibisitahin natin si Seoks."

"Alam ko yun."

"Eh bakit di ka pa kumain?"

"Kasi nga itong mga tropa ko pinuntahan ako sa bahay."

"Seungkwan, don't cry."

"Malalande."

"I'm here for you bebe Jihoon."

"Ano ba asa hospital tayo tapos para kayong nasa palengke."

"Kasi naman sila eh."

Tangina, didilat pa ba ako. Ang ingay nila sobra alam mo yun. Gusto ko na silang makita pero pagkagising ng tenga ko. Maririnig ko agad ingay nila. Bahala sila, mamaya na ako didilat.

"Bakit ngumingiti si Seoks?"

"GAGA BAKA GISING NA!"

Hala, nahuli ako, gago kasi sila. Natatawa ako sa katarantaduhan nila. Kaya hindi ko mapigilang hindi ngumiti eh.

"Ay baka natutulog nalang siya tas nanaginip na nasa candyland siya."

"Tama nga."

"Candyland, diba kanta yun ng Up10tion?"

"Pati ba naman dito, Gyu."

"Kasi it's legit."

"True, heart heart kita Boo eh."

Sino bang hindi matatawa sa katangahan nila? Ang bobo nila pero love ko parin itong mga ito. Kahit yung tropa ni Jisoo, napapamahal narin ako sa kanila. Matino daw pero tarantado rin. Pero mas lokoloko nga lang talaga yung akin.

"Uy kita na ngipin ni Seokmin, gising na ba?"

"HIM DAYDREAMED!"

"Gago ka Seungkwan."

"He said he is daydreaming."

"Ay waw, interpreter ni Boo si Sol ahahhahahah."

"Seokmin, dumilat ka na. Alam namin gising ka na."

Buti pa si Jihoon hyung, matino talaga. Idinalt ko mata ko at kunwaring bagong gising.

"Huh?" sagot ko.

"Kagigising niya lang oh?" sabi ni Boo.

"Ang bobo mo Kwan, kanina pa yan gising. Nagkukunwari lang," umirap si Jeonghan sa kanya.

"Ay hala weh?" gulat na sabi ni Boo.

"Haist, buti pa sila napansin nila," inirapan ko si Kwan.

"Ay aba sorry naman, masyado kasi ang kyut," pagtataas ng kilay nito sa akin

"Aba, ako kaya," tinaasan ko rin siya ng kilay.

"Ay tama na, ako ang dyosa," sabi ni Jeonghan.

"Suportahan niyo nalang ako. Kagigising ko lang," sabi ko.

"WOO SUPPORT!" sigaw ni Soons sa kwarto na ikinagulat ng lahat

"Wag yung oa, bes" ngiti ko.

"Ayaw mo suportado kita."

"Ay thank you pala sa pag bisita niyo," pagpapasalamat ko.

Akala ko magigising ako ng tahimik. Baka akalain ko asa heaven na ako. Ngayong andito sila, alam kung buhay ako. Marinig ko palang boses ni Boo.

"Ilang araw na akong tulog?" tanong ko.

"Limang buwan na tol," sabi ni Gyu .

Ay hala weh, tagal ko ng nakahandusay dito.

"Seryoso kasi."

"Oo nga, you had sleeped their for 5 months," sagot ni Boo

"Ay hala Boo," gulat na sabi ni Hao.

"Lumalala ka na," pagpapatuloy ni Jun.

"Tangina niyo," sagot ni Boo.

"Alam mo ba, share ko lang naman," sabi ni Seungcheol hyung.

"Ano po iyon?" tanong ko.

"Bumibisita si Jisoo dito, para bantayan ka."

Jisoo.

Tangina,

Galit ako sa kanya.

Wag niya na pagpilit ang sarili niya.

"Ah, paki sabi sa kanya thank you," nginitian ko nalang siya.

"Siya rin kaya ang nagdala sayo dito, hyung," dagdag ni Chan.

Jisoo.

Pwede ba,

Umalis ka na sa pamumuhay ko.

"Ahh," ang aking nasabi.

Tuwing naalala ko siya, naalala ko rin yung sakit ng ginawa na binigay niya kay Tatang Seunghan. Masakit lang kasi, para narin kasing tunay na ama siya sa akin.

"Oh sige alis na kami," sabi ni Jihoon tumango nalang ako.

At nagsimula na silang umalis lahat. Pag kaalis nila, umiyak ako. Hindi ko alam kung kanino ako umiiyak. Kay Jisoo o kay Tatang. Kasi mahal ko sila pareho.

Kahit masakit,

Kailangan na kitang kalimutan, Jisoo...

I will forget everything about you....

I'm done with you. . . .






—•—•—•—•—
Ayan na, gising na siya.

Kanina lang happy happy

Tapos ganyan—waw :0

04/26/18

H O W » seoksoo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon