-??????-
Ganoon nalang ba?
Akala ko magagalit si Seokmin dahil binlock ko si Jisoo hyung gamit ang account niya. Bakit mapagpatawad siya? Tangina epic.
Kala ko mag-aaway na tapos magbbreak pero bigo ang lahat ng plano. Kasi naman masyadong mabait itong dalawang ito eh. Hayup.
Kasi naman, bakit pa ako nagkagusto kay Seokmin? Pero mas nauna naman ako eh. Matagal na itong nararamdaman ko para sa kanya. Bago pa dumating yang Jisoo na yan sa buhay niya.
Saan sila nagkakilala?
Sa simbahan, sa labas, kumakain ng pagkaing kalye, libre pa yun ni Jisoo hyung. Tapos dinaldal na ni Seokmin, naging magkaibigan. Hanggang sa nalaman nila na nasa iisang paaralan sila. At doon nagsimula ang panliligaw at ibigan.
Sana hindi na sila nagkakilala. Sana sumama ako sa kanya magsimba nung inaya niya ako. Tinanggihan ko eh, kasi tinatamad ako. Sana sumunod ako pero hindi eh. Tinamad ako. Ang bobo ko, napaka. Ako na yung nangunguna sa kabobohan at katangahan sa mundo.
Kasalanan ko rin naman eh, kung hindi ko siya tinanggihan nung inamin niya ang kanyang nararamdaman para sakin. Gusto ko na siya dati pa pero bakit ko tinanggihan?
Paano ba bumalik sa nakaraan?
Paano ba baguhin ang lahat?
Paano ba ayusin ang mga bagay na sinira ko?
Dapat ganito, ganyan ang nangyari. Hindi dapat nakilala ni Jisoo si Seokmin. Nakakainis! Nagkukunwari ako sa mga tropa ko na okay lang ako.
Pero hindi talaga ako okay. Hindi ako okay sa mga nangyayari ngayon.
Buti pa sila support nila relasyon nila pero ako? Hindi, hinding hindi ko yun gagawin. Nadidiri nga ako eh. Ayoko sa kanila, kadiri tignan.
Kasi mas bagay sakin si Seokmin. Bagay na bagay kami. Alam kong masyado akong assumera pero totoo naman kasi. Dati ship na ship kami dati ng tropa ko.
Ngayon, sila naman. Kadiri! Kaya ako ganito kasi masakit talaga, alam niyo yun. Yung crush niyo may iba ng gusto. Sa una gusto kayo dahil tinanggihan mo sila, mawawala na yung feelings niya para sayo.
Diba ang bobo ko? Ngayon ako maghahabol, ngayon ako maiinis, ngayon ako mabibwiset kung kelan may bago na siya. Hindi ako naghabol kung kailan na pwede pa siya mapasaakin.
Sorry pabebe ako eh, sobra sobra yung pagiging pabebe ko. Kinabog ko yung mga babae sa kanto namin. Naiinis talaga ako sa sarili ko. Sarap bumalik sa nakaraan.
Mamaya ko na sila papansinin. Hayaan na muna nila ako mag-emote dito. Para akong babae na nagtatampo sa boyfriend. Ay, wala pala ako nun. Hoy, wag kang assumera. Nakakaloka sa bangs.
Ngayon, magkasama na naman sila. Nagdedate kung saan ako nagta-trabaho. Ang galing naman ng timing, kung kelan shift ko doon pa sila nag date. Kapal ng mukha.
Ano ba ngayon? August 12? Ay monthsarry nga pala nila. Sarap sirain, dali manira tayo ng monthsarry mga readers, gusto niyo? Dali gg ako, Sarap sirain oh, kita niyo yun. Tangina ngumingiti-ngiti sila pareho. Kinikilig na parang ewan, yuck. Dapat sakin kiligin si Seokmin hindi dyan sa Jisoo na yan.
Kung alam mo lang Seokmin yung totoo, mamahalin mo parin ba siya kagaya ng pagmamahal niyo ngayon?
Magpakasaya ka lang Jisoo hyung, kapag sinabi ko na kay Seokmin yung totoo, huwag kang magugulat na lalayo na siya sayo.
Mag-antay ka lang, tangina, mag-antay ka lang.
Mapapasaakin siya
At....
Malalaman din Seoks yung totoo.
—•—•—•—•—
Hoy pare, sino ka ba?
Kapitbahay ba kita?
Wag kang epal ah,
Akala mo pogi siya PWE
04/13/18
BINABASA MO ANG
H O W » seoksoo
Conto[ Question Series #1 ] • seoksoo • "How long are we going to keep on playing?" author: acelestial_