» 21 «

90 4 0
                                    

-Seokmin's-

Paano ba paniniwalaan?

Hindi ko alam kung totoo ba yung nalaman ko. Pwedeng gawa gawa niya lang dahil ayaw niya kay Jisoo.

Pwedeng ganun diba?

Kung totoo talaga yun. Ang sakit malaman na sa ibang tao ko pa nalaman mismo kaysa sa kanya mismo.

Either of the two,

I will still hate him.

Pero mas maganda na nagaling sa kanya hindi sa bibig ng iba. Kasi mas lalo ako napapaisip kung totoo ba ito? Kung mismo galing sa kanya, galit nalang ang mararamdaman. Hindi yung dami dami kong iisipin.

/School Bell/

Lunch break, nung may tumawag sakin.

Si Wonwoo.

"Seokmin, tawag ka ni crushie," sabi sakin ni Mingyu na katabi ko.

Tumayo ako at pinuntahan ko siya. Akala ko aantayin pa namin si Minghao, yun pala hindi.

Bakit hindi niya rin kasama si Soons?

Ano ba binabalak nito?

Dinala niya ako sa rooftop, kung saan bawal ang mga estudyante tuwing lunch time at break time. Pwede dismissal lang. Sinara niya ang pinto. Teka bakit iba ang iniisip ko? Haist iba talaga kapag madami kang napapanood na drama. HAHAHAHAHA.

Tinignan ko lang siya hanggang sa siya'y malapit na sa akin. Tinitigan ko lang siya. Yung mga titig niya sakin, seryoso.

Ano ba yung gusto nito ipaalam?

"Seokmin," tawag niya sakin.

Yun talaga ikinabigla ko. Hindi niya ako madalas tinatawag ng pangalan kung hindi siya seryoso.

"A-ano?" nauutal kong sagot.

"Maniniwala ka ba sa sabihin ko?"

"Ano ba yan?"

"Sabihin mo muna kung oo o hindi?"

"Hindi ko alam."

Napabuntong hininga na lang siya.

"Tungkol kasi ito sa tatay ko, sa tatay-tatayan mo."

"Ano yun?"

"Kilala ko kung sino sila? Simula palang."

"Bakit hindi mo sinabi sakin? Bakit aber?"

"Bakit matatanggap mo ba?"

Bigla ako napatahimik sa nasabi niya. Sa bagay, matatanggap ko ba? Hindi, kaya itinago niya nalang sa akin.

"Ano yun?"

"Maniniwala ka ba talaga?"

"Wala akong pakialam kung kaibigan ko pa yan?"

"Paano kapag jowa mo?"

Tangina, hindi nanaman ako nakasagot sa pinagsasabi niya. Ang hirap sagutin yang tanong na yan.

"E-ewan?!"

"Kapag sinabi ko sayo, masasaktan ka ba?"

Wala akong masagot.

"I'll accept that as a yes."

"Si-sino ba si-sila?"

"Anak ng nakasagasa sa tatay ko ay si Hong Jisoo."

Tangina.

"Tama ang narinig mo, si Hong Jisoo. Ang jowa mo."

Tama ba ang narinig ko?

Si Hong Jisoo ang anak ng nakasagasa sa tatay-tatayan ko.




—•—•—•—•—
OH.MY.GOD :0

May isa pang problema,

Sino ba si bookworm?

04/24/18

H O W » seoksoo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon