Paano ba ito maayos?
Tanong ng mga taong sumusuporta sa relasyon ng dalawa. Dalawang bida natin, malamang. Hindi narin nila alam kung ano ang pwede nilang maitulong sa dalawa.
Nung una alam nila na baka madaming gawain lang pero nung tumagal-tagal parang wala talagang komunikasyon ang dalawa. Si Seokmin hindi na niya masyado kinukwento si Jisoo sa mga kaibigan niya pati narin sa katabi niya na si Mingyu.
Masyadong oa at dramatic na ang Jisoo natin. Lagi siyang humuhugot sa gc nila o kaya magcha-chat o text sa iba niyang kaibigan at magdadrama ng parang ewan. Umiiyak gabi gabi. Hindi naman sila galit kay Seokmin pero naiinis sila sa ginagawa ni Seokmin. Dahil hindi nila alam yung pangyayari. Wala silang alam na kahit isa.
"Uy kabayo," tawag ni Soonyoung sakanya.
Kasalukuyang nasa canteen sila kumakain ng lunch nila.
"Oh bakit daga?" tanong niya pabalik.
"Cute akong daga so okay lang. Anyare pala sa inyo ni Jisoo hyung?" tanong nito sa nakababata.
"Wala naman," pagsisinungaling nito.
"Ows, dati tuwing lunch natin bukambibig mo siya eh. Tapos ngayon? Anyare?" sabat ni Minghao.
"Basta, kami nalang ang mag-aayos nito," ngiti nito sa mga kaibigan niya.
"Pero okay lang talaga kayo?" tanong ni Seungkwan dahil sobra ang alala niya sa kaibigan niya.
"Oo, okay lang ako," isa pang pilit na ngiti ang ipinakita niya.
Dahil sa totoo, hindi. Hindi siya okay sa nangyayare. Hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niyang pag-iwas dahil sa maliit na bagay. Hindi niya alam kung nakakasakit siya ng tao dahil sarili niya lang iniisip niya. Hindi niya alam ang kanyang pinaggagawa. Hindi niya iniisip ang mga taong nakapaligid sa kanya.
"Hyung, yung pagkain mo baka manigas dahil kanina mo pa hindi ginagalaw," pag-aalala ni Chan.
"Ay sorry," sabay kain niya.
Hindi na talaga maintindihan ng buong tropa ang nangyayari sa kaibigan nila. Pati sila nalilito na sa ginagawa nito.
Si Wonwoo ay matalik niyang kaibigan, nag-aalala rin siya kung okay lang ba talaga si Seokmin simula nung nangyari yun. Dahil mahal niya ito bilang kaibigan niya.
"Hi," Bati ni Mingyu kay Seokmin ng makabalik sa upuan.
"May dala kang snacks?" tanong ni Seokmin.
"Ako pa, good boys tayo eh," ngumiti si Seokmin dahil sa kalokohang gagawin nila.
Madalas naman niyang gawain yun pero natutuwa talaga siya kapag kasama niya si Mingyu. Nakakalimutan niya ang lahat ng problema niya kapag sila ang magkasama.
Habang itong si Jisoo namomoblema kung paano niya maayos ang relasyon nila ni Seokmin. Kung sino sino ng hinihingan niyang tulong. Katabi o kagrupo sa proyekto tatanungin niya. Kahit ang kanyang mga kateam niya sa swimming club tinatanong niya. Dahil desperado siyang magkabati sila ni Seokmin. Dahil mahal na mahal nila ang isa't isa.
Paano ba ang masasagot ang mga tanong nila?
—•—•—•—•—
Owemji :0Ang ewan ng chapter na ito :0
04/22/18
BINABASA MO ANG
H O W » seoksoo
Storie brevi[ Question Series #1 ] • seoksoo • "How long are we going to keep on playing?" author: acelestial_