» 2 «

192 9 1
                                    

- Seokmin's -

Bakit parang ang sakit?

Ang sakit malaman na wala silang tiwala kay Jisoo hyung.

Ganoon ba talaga sila o sadyang nag-aalala lang sila?

Ewan ko sa kanila, pero kung wala silang tiwala sa kanya, I'll just respect their opinion. Hindi ko naman sila masisisi kasi wala naman kaming malinaw na ligawan. Tangina, puso kasi eh, na-inlab ng hindi nag-iisip. Sa bagay, kailan ba nagkaisip si puso eh yung utak nasa taas. Haist ang bobo ko.

Narinig ko na yung katok sa pinto. Feel ko andyan na yung knight in shining armor na jowa. Sinusundo niya na naman ako para sa school asdfghjkl—TAMA NA MASYADONG MAAGA PARA KILIGIN.

Bumaba na ako ng kwarto at nakita ko si kapitbahay daga—este, si Soonyoung hyung. Kasama sila Wonwoo hyung at ung mga bruho kong kaibigan.

"Nak, andyan na yung mga kaibigan mo oh. Kanina pa sila nag-aantay sayo," sabi ni eomma habang hinahanda yung kainan.

"Kain na din kayo," pag-aayaya ko.

"Huwag na hyung, nakakahiya," sagot ni Boo na parang nahihiya pa.

"Aba aba himala, nahiya ka. Habang sa bahay namin hindi," tinignan ni Soonyoung hyung ng masama si Boo.

"Mga bata, sige lang, kumain na kayo," ngiti ni eomma.

Bakit ang bait ni eomma? Eomma naman eh : (

Dahil sa katahimikan bigla nalang narinig yung mga kulog ng tyan nila. Sabay sabay pa, taena, mga hindi kumain. Natawa nalang si eomma dahil napakapabebe nila. Kaya nung kumulo yung mga tyan nila, nagtinginan sila at kumaripas ng takbo sa lamesa. Nahiya pa kanina eh, kakain rin naman.

"Eomma, ako na mag-aayos," pag-aangkin ko sa trabaho niya para makapag-pahinga na siya.

"Okay lang ako, sige na kumain ka na. Sabayan mo na yung mga kaibigan mo," ngumiti siya at patuloy siya nag-ayos ng hapagkainan.

Kaya umupo nalang ako at kumain.

"Uy, ang sarap ng luto ng nanay mo," sabi ni Boo habang nakahawak sa tiyan niya.

"Nag-offer na ko nung una, pumabebe kayo. Tas pag lakwatsahan natin, napakatakaw niyo," inirapan ko sila.

"Kase nakakahiya talaga pag sa bahay ng kaibigan unlike pag tayo tayo lang," sagot ni Soonyoung.

"Oh sige, hindi na ako mag—"

"Dahil na kakain na tayo kay Seoks kakain na tayo lagi pag nag-offer siya, yeeey," sabay sabi ni Soonyoung hyung at tinakpan yung bibig ko.

Nag-yey din yung iba, para silang baliw kasi naka-fist pa sa ere. Kaya mahal ko tropa ko kahit ganito sila ka weirdo.

Bakit kaya hindi dumaan si Jisoo sa bahay?

Dati lagi siyang maaga sa bahay. 30 minutes palang asa labas na. Anyare? Madami lang ba talaga siyang gawain?

Hayaan mo nalang, busy lang ata. Okay lang din naman kasama yung mga kauri ko eh.

"Ay sorry," sabi nung lalaking naka-bangga sakin.

Aba hayop na ito. Wala akong ginagawa sa kanya ah. Tangina, hindi man lang ako tinulungan dito. Hindi ko na tinignan kung sino siya kasi kapag nakita ko yung mukha niya, maaalala ko at mabubwiset lang ako kaya no thanks nalang.

"Hyung, nakita mo ba yung bumangga sayo?" tanong ni Chan.

"Hindi at ayoko rin baka masira lang araw ko," unti-unti kong pinupulot yung mga libro ko. Buti nalang talaga wala dito yung g-tech ko hayup siya.

"Seoks, tulungan na kita," sabay tulong ni Wonwoo sa pagpulot.

"Thank you hyung," nginitian ko siya .

"Hoy kabayo, hindi ka babae. LALAKI KA," sabi ni Soonyoung hyung habang naka-cross arms.

"Bayot siya hyung," bulong ni Hao kay Soons.

"Ah, oo nga pala," bigla siyang tumawa na parang ewan.

"Hi Benonie," kaway ni Boo kay Hansol na kakarating lang.

Ngumiti si Hansol sa kanya at nag-wave.

Aga-aga lande agad?

Sa bagay ganyan din kami ni Jisoo... minsan lang nemen hehehehe.

Pero bakit limang buwan palang kami, andami na niyang ginagawang kababalgahan.

Paano tatagal relasyon namin kung ganito siya?

—•—•—•—•—
Paano yung title pero puro bakit : ).


Palitan natin yung title, de jowk lang.


04/10/18

H O W » seoksoo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon