» 36 «

92 6 0
                                    

-Seokmin-

"Mahal," tawag niya sakin.

"Bakit mahal?"

"Dito ka," malambing niya na tawag.

Pumunta agad ako sa kanya na nakaupo sa sofa. Ikinagulat ko na binigyan niya ako ng isang nakakakomportableng yakap.

"Bakit?" tanong ko ulit.

"Gusto ko lang kitang kayakap."

Hindi na ako umimik at hinayaan ko nalang siya.

Wonwoo, hindi kita maintindihan.

Mahal mo ba ako o mahal mahalan lang?

Wonwoo, ayoko sanang sagutin kita noon pero dahil gusto ng tatay ko na maging tayo. Hindi ko kayang humindi kaya napa-oo nalang ako.

Iisa lang ang nilalaman ng puso at isipan ko.

Si Jisoo lang.

At wala ng iba.

Nasaktan ko rin siya pero ngayon gusto kong bumawi. Ngayong nakauwi na siya ng Pinas. At ngayon, handa na akong ipaglaban ang nararapat na para sa amin.

At ngayong malapit na tayo ikasal,

pwede pa ba ako mag-back out?

Dahil si Jisoo lang ang gusto kong pakasalan.

"Mahal," tawag niya.

"Hmm?"

"Huwag mo akong iwan ha?"

Hindi ko alam Wonwoo. Sa inaasta mo sakin, hindi ko alam. Sinasaktan mo ko emotionally at physically.

"Oo," ang nasabi ko.

Pero sa loob looban ko, hindi.

Dahil

Hindi talaga kita mahal Wonwoo,

Sorry.





—•—•—•—•—
:0

Sorry po kung maikli : )

05/25/18

H O W » seoksoo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon