"Jisoo, dadating daw si CEO mamaya."
"Why?"
"Titignan niya kung ano na daw yung nangyayari sa hotel."
"Aah, sino ba CEO?"
"Si Seokmin, yung ex mo," malakas na nasabi ni Eunji sa canteen kaya tinakpan ko bibig niya dahil pinagtitinginan kami.
"Ang ingay mo," pabulong kong sabi.
"Sorry."
"Natatakot akong makita siya."
"Si Boss, bakit? Mabait naman."
"'Di ba obvious? Limang taon kong pinutol ang coneksyon ko sa kanya tapos bigla akong susulpot. Baka nga galit parin sakin yun."
"Kung galit siya, bakit ka niya tinanggap?"
Tama nga siya.
Bakit niya ako tatanggapin kung galit parin siya sakin?
Mahal niya pa ba ako?
"HOY NAGLALANDIAN KAYO!"
"Tangina ni kuya, he is too much. Mygad," napairap nalang si Eunji at tumingin sa labas.
"Pwede ba kaming sumama?" tanong ni Jihoon and I just nodded.
"Balita ko, pupunta daw si Seoks," sabi ni Soonyoung.
"Sabi nga ni secretary."
"Bakit daw?" pagtatanong ni Jihoon.
Aba, kailan pa ito natututong maging chismoso?
"Sabi daw titignan niya daw kung ano na daw nangyayari sa HSH hotel."
"O baka gusto niyang makita si Jisoo," pagloloko ni Soonyoung.
"Bumalik na lang kaya kayo sa pagtatrabaho," sabi ng isang lalaki.
"Tangina, kasisimula ko lang," reklamo ni Soonyoung sa lalaki.
Tumingin ako sa likuran ko at nakita ko siya.
Lee Seokmin.
"Eh, daldal inuuna mo eh," sagot ni Seokmin.
Tumingin ako sa paligid at nakita kong nakatingin sila sa amin.
Dahil ba kay Seokmin?
"Masayang kumain pag dumadaldal," sagot ni Jihoon.
"Hyung, ano na bang ginagawa mo kay Jihoon hyung. Ibang iba na siya," pagkukunwaring iyak ni Seokmin.
"Babalik na po ako sa trabaho," sabi ni Eunji
"Sige, alis na ako. Baka 'di niya pa ako payagan makipagdate."
"Ako! Hindi ako papayag!" pagrereklamo ni Soonyoung.
"Sabi ng kuya mo wa—" sinipa ni Eunji ang binti ni Seokmin.
"Che!"
"Bakit parang mas boss pa si Eunji kaysa kay Seokmin?"
"Kasi kyut siya," sagot ni Seokmin at sumunod kay Eunji.
Seokmin?
Teka, napansin niya ba ako?
O iniiwasan niya ako?
Seokmin, please come back to me. . . .
—•—•—•—•—
Kyut ko :>05/02/18
BINABASA MO ANG
H O W » seoksoo
Short Story[ Question Series #1 ] • seoksoo • "How long are we going to keep on playing?" author: acelestial_