Chapter 3

2.3K 78 6
                                    

Chapter 3: World Nowadays

Naisipang dumaan muna ni Dwanee sa pastry shop upang pakalmahin ang sarili. Hindi niya mawari ang nararamdaman. Halu-halo't maraming katanungan ang muling namumuo at parang sasabog na ang kaniyang isipan. She forgot those things already. She must not feel these feelings anymore. Nag-mature na siya. So she mustn't get affected.

"Hi ate!" Masiglang bati ni Jen sa kaniya. Dati, isa lamang itong waitress ng pastry shop, ngayon isa ng supervisor.

"Hi Jen

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hi Jen. Kamusta ka?" Tanong niya rito. Kahit papaano'y nabaling ang kaniyang isipan.

"Heto. Todo kayod parin." Natatawang sagot nito. "The usual parin po ba?" Nakangiting tanong nito sa kaniya.

"Haha. Yes. At hindi na dapat ikaw ang mag-asikaso sa akin. You're the supervisor now." Sabi niya rito.

"Nah ok lang po. Doon naman po ako nag-umpisa eh... Sige po. Kunin ko lang order ninyo." Tumalipa na ito upang kunin ang laging ino-order niya sa pastry shop.

Habang naghihintay ay binuksan niya ang phone niya at tinitigan ang mensahe ng kaniyang ina.

Thank you, anak.

Napabuntong-hininga siya at walang pag-aalinlangang binura ang mga mensahe nito sa kaniya. Wala sa sariling napahilamos siya sa buhok niya.

"May problema po ba ate?" Dumating na si Jen, dala-dala ang mga orders niya at inilapag ito sa harap niya.

"Hindi naman nawawala ang problema, Jen." Sabi niya rito. Umupo ito sa kaharap niyang upuan.

"Pero lahat po ng problema may solusyon." Sabi nito habang nakatukod ang mga braso sa mesa.

"Not all problems, Jen." Segunda niya sabay subo ng cookie monster cake. Malumanay na nginitian siya ng kaharap.

"Akala lang nating mga tao hindi lahat ng problema ay masosolusyunan. Walang problema, walang challenge na ibinigay ng Diyos na hindi natin kayang lampasan..." Napahinto siya sa pagnguya nang magsalita ito.

"...Lalaki ang maliit na problema kung hindi agad ito gagawan ng paraan. Malulusutan man natin ito, pero hindi natin ito matatakasan. Kaya dapat nating harapin. Mahirap man at nakakamatay, pero dapat nating kayanin. The only problem why we can't solve our problems is our pride and our ego. We think that it is good for us, but too much of it can kill us. Don't let these things rule our heart and mind.... Just always keep in mind, there's always a chance, ate."

Habang nagmamaneho papuntang opisina ay napaisip siya sa sinabi sa kaniya ni Jen. Mas bata ito sa kaniya ng tatlong taon, pero kung magsalita ito, parang siya pa ang mas bata, na parang mas marami na itong karanasan sa buhay kaysa sa kaniya. Hindi naman niya minasama ang sinabi nito. Bagkus, napukaw nito ang buhay niya. Inaamin niyang ma-pride siyang tao. At mahirap itong tibagin dahil hindi siya magiging matatag na tao kung hindi dahil dito.

Unexpectedly Crazy (Unexpected Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon