Chapter 19

1.5K 67 13
                                    

Medyo ma-drama 'tong chapter na 'to. Enjoy reading mga dear!

**************

Chapter 19: The Art Of Pretending

"Oh bundok Arayat chararat. What's this sudden urgent?" Bungad agad na tanong ni Barbie kay Arayat nang makarating sa paborito nilang tambayan na magkakaibigan.

"Ahhh..." Sabay tingin muna niya sa kasamang si Juno. Taas kilay na naghihintay naman ang tatlong mga kaibigan sa kung ano ang sasabihin niya. "This is very confidential and dapat walang ibang makakaalam muna bukod sa atin..." Umpisa niya.

"Oh my gosh! Don't tell us... jontis ka dzae?! At itong si Juno ang ama?!" Exaggerated na singhap ni Marz.

"Gaga hindi!" Depensa niya agad. "Ano kasi... Basta promise niyo tayo-tayo na muna ang nakakaalam." Paniniguro niya sa mga baklang kaibigan.

"Promise. Peksman. Mamatay ka man." Sabay na sagot nilang tatlo.

"Kung pagtatagain ko kaya kayong tatlo diyan nang kayo ang mauna sa hukay." Gatong niya sa ka-demonyuhan ng mga ito.

"Twoh naman. Di maviroh! We promise. Ano ba kasi 'yan?" Ani Jeytee.

"I'm gay." Biglang sabi ni Juno na ikinatahimik sandali ng tatlong mga bakla.

"Waaaaahhh! Kapederasyon! Welcome to the society!" Biglang hiyaw ng tatlo at agad bineso-beso si Juno. Buti nalang walang ibang dumadaan sa paligid nila; ang titinis pa naman ng hiyaw ng mga bakla.

"Sabi na nga ba namin, kapederasyon ka rin." Sabi ni Barbie. Nairolyo nalang niya ang mga mata sa sinabi nito.

"Haler. Ako yata ang unang naka-feel niyan." Segunda niya agad. Pero dinedma lang siya ng mga gaga.

"We're so happy. Pero bakit atin-atin na muna?" Takang tanong ni Barbie.

"Di ba nasabi ko naman na sa inyo na kapatid siya ni ate Dwanee. At kilala niyo naman si ate di ba?" Sabi niya.

"Oooh right. Hate nga pala ni ate Dwanee ang mga katuladz natin." Turan ni Jeytee.

"Kaya please sa atin na muna ito mga dzae."

"Don't worry, dzae. Makakaasa ka." Ani Marz. "But hindi pang-forevermore ang secret na ito. Malalaman din ng ate mo ito, Juno." Baling nito kay Juno.

"Yeah I know. Am just waiting for the right moment but not now. It's still complicated." Sabi naman ni Juno.

"Naku wala akong masyadong baong English ngayon ha. Naubos ko na dun sa ka-chat kong awstrilyanong porenjer . Mabuti pa't mag-celebrate nalang tayo." Angal bigla ni Barbie.

"Ang sabihin mo, Tom Jones ka na." Sabat ni Marz.

"Haler hindi noh!" Tanggi ni Barbie.

"Kala ko thunder 'yong narinig ko. Tiyan mo pala 'yon dzae." Gatong naman ni Jeytee. Napapailing na lamang siya sa asaran ng mga baklang kaibigan. Nilingon na muna niya si Juno bago sumunod sa nauna ng mga gaga.

"Ok ka lang?" Tanong niya rito.

"I just can't believe I let out. I'm halfway to freedom." Anito sa tonong malambot.

"Magiging ok din ang lahat, Juno. Alam kong darating 'yong araw na matatanggap ka ni ate. Siguro kailangan muna ng mahaba-habang panahon para mangyari 'yon. Alam ko ang mga pinagdaanan ni ate. At alam kong hindi agad-agad matutunaw ang mga masasakit na bagay na nagpapatigas ng kaniyang puso ngayon." Pangaral niya rito.

"That's deep. But yeah, I understand. It's not easy for her part, too. But am still hoping that moment will come."

"Hindi parin ako sanay diyan sa tono ng pananalita mo." Komento niya.

Unexpectedly Crazy (Unexpected Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon