Chapter 24

1.7K 85 35
                                    

I'M TIRED OF THIS LIFE! I WANT TO DIE!

P.S. Don't mind me.

Enjoy reading!

********************

Chapter 24: Take A Chance

"Anak..." Kanina pa nakatingin sa malayo si Zachie. Ayaw niyang salubungin ang mga mata ng kaniyang mudrabels. Nasa isang pastry shop and restaurant sila pumunta. Paborito niya ang lugar dahil cozy, warm and homey ito pero pakiramdam niya dinaig pa ang library sa tahimik ng paligid. Karamihan kasi sa mga customers ay matatanda at professionals, iilan lang ang mga estudyante. Kaya hindi maingay ang paligid.

"...Kumain ka nak. Ayaw kong mangayayat ang baby ko." Sabi ng mudra niya pero hindi parin niya ito tinapunan ng tingin. Nagsisimula na rin mangalay ang kaniyang leeg. Nasa labas ng glass window parin siya nakatingin.

"Zacharies..." Ilang segundong katahimikan bago muli itong nagsalita. "... I'm really sorry. We're really sorry."

"You should say that to Zen. Not me." Aniya saka ininom ang mango shake dahil feeling niya nanunuyo na ang lalamunan niya.

"We tried. But she won't talk to us." This time tiningnan na niya ito. Baka magkaka-stiff neck na kasi siya sa ginagawa.

"Do you know where she is?" Taka niyang tanong. This passed few days, ay saglit niyang isinantabi muna ang paghahanap sa kapatid dahil sa mga tambak na work sa ChelRies. Lalo pa kahapon na launching. At sinabi rin naman sa kaniya ng kapatid na ok lang ang kalagayan nito.

"Yes. His teacher informed us where she is. Sa condo unit niya muna pinatuloy si Zen." Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. 

"Babae naman 'yang guro niya, di ba?" Paniniguro niya.

"No. Mukhang mabait naman 'yong si Mr. Papandreas. Tinulungan—" Hindi na niya pinatapos sa pagsasalita ang mader dear niya dahil na-shook siya sa narinig.

"Papandreas?! As in Joshua Papandreas?!" Agad siyang pinalo nito dahil sa pagsigaw niya. Inis na tiningnan din siya ng ibang mga customers. Sobrang ganda naman niya para pansinin pa ang mga ito kaya dedma lang siya.

"Lower down your voice..." Suway ng mudra niya. "... Oo. 'Yong biology teacher ng kapatid mo. Ito nga rin ang nagsumbong sa amin ng papa mo kung nasaan si Zen. Pinuntahan namin siya kanina but she won't talk to us. Mabuti nalang at mabait itong si Mr. Papandreas. Doon na muna siya sa condo nito for the meantime. Alam kong hindi agad-agad nahuhupa ang sama ng loob." Sagot nito.

"Bakit niyo pinayagan ma? Sa condo ko nalang muna patuluyin si Zen. Kahit teacher pa niya iyon, lalaki parin 'yon ma. Juice colored!" Ok inaamin niyang naiinggit siya ng slight dahil nakakasama sa iisang bahay ng may topak sa utak niyang kapatid ang prince charming niya. Pero other than that, ay super duper nag-aalala siya sa kalagayan ni Zen. Kahit baliw iyon ay alam niyang napaka-vulnerable ng sisteret niya.

"Huwag ka ngang mag-isip ng ganiyan, nak. Alam kong mabait na lalaki 'yong si Mr. Papandreas. Hindi siya gagawa ng masama sa kapatid mo." Kompiyansang saad ng mudrabels niya. Busangot niyang ininom ang shake niya.

"Ang sabihin mo, nagseselos ka. Aminin mo man sa akin o hindi, matagal ko ng alam na may gusto ka sa teacher ni Zen." Biglang sabi nito na ikinagulat niya. "Huwag mo kong tignan ng ganiyan. Ina mo ako. Walang bagay tungkol sa iyo na hindi ko alam." Napalunok siya sa sinabi nito. Huwag naman sanang pati 'yong nangyari sa kanilang dalawa ni kurdapz ay alam ng mader niya.

"Oo nga pala. 'Yong babaeng dinala mo noon sa bahay, talaga bang hindi mo 'yon girlfriend, nak?" Muntikan na siyang masamid sa iniinom sa biglaang tanong na naman nito. "Alam mo, gusto kong siya ang maging ina ng magiging mga apo ko." Kinikilig pa nitong dagdag. Tuluyan na talaga siyang nasamid. Aware siyang wala siyang protection noong may nangyari sa kanilang dalawa ni kurdapz. So may posibilidad na mabuntis niya ang bruha. Pero he— she's hoping na hindi, dahil hindi pa siya ready maging momshie!

Unexpectedly Crazy (Unexpected Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon